Army Colonel NA Sumugod sa PNP Station, Sinibak

TULUYAN NANG na-relieve sa puwesto ang commander ng 9th Infantry Division, Philippine Army, matapos ang umano’y ginawang pambabastos, pagdidis-arma, panunutok at pagsugod sa isang Community Police Assistance Center (CPAC) station ng Legazpi City PNP.

Kinilala ang nasabing commander ng 9th ID na si Lt. Juniedy Omandam, na una nang inireklamo ng tatlong kababaihan ng pambabastos, dahil na rin sa pagpapakita nito ng kanyang ari sa publiko habang lango sa alak.

Ayon kay Col. Andrew Castelo, ang commander ng 2nd IB Phil. Army, naging maganda ang koordinasyon sa kanilang hanay ng mga kasapi ng PNP sa lungsod, kaya agad nilang naaksyunan ang naturang pangyayari na nagresulta para masibak sa puwesto ang opisyal na pasaway.

Una rito, nasa tatlong 6×6 na military truck na may sakay na mahigit 16 mga sundalo ang sumugod sa himpilan ng pulisya kung saan dinis-armahan nila ang mga pulis hanggang sa magkatutukan ng baril.

Sa kabila nito sinabi rin ni P/Supt. Robert Morico, ang chief-of-police ng lungsod, nakapagsampa na sila ng limang kaso, kung saan kasong act of lasciviousness, unjust vexation, grave threats, direct assault at resistance and disobedience ang inihain nila laban sa 16 na mga sundalo kasama si Omandam.

Ayon kay naman ni Col. Castelo, magkakaroon pa rin ng imbestigasyon ang hanay ng 9th ID sa isyu na kinakaharap ng kanilang kasamahan.

Samantala, inaantay naman ang magiging kasagutan ni Omandam sa mga alegasyong  kinakaharap.

 

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.