Arjo Atayde, type mag-indie kahit baratin

GUSTONG GUMAWA ni Arjo Atayde ng isang indie film na siyang susubok sa kanyang husay sa pag-arte.
“Sana, me magandang material na ialok sa akin. Bale-wala naman sa akin ang talent fee because acting is my passion.
“Importante lang talaga eh, maganda ang istorya at ‘yung tipong pang-award dahil sino ba naman ang ayaw ng award, ‘di ba?
“Saka hindi ko naman para ipahiya ‘yung mommy ko if ever,” sey pa ng anak ni Sylvia Sanchez.
Doing a kissing scene with another guy?
“Depende pa rin kung kailangan talaga sa istorya, eh.”
Butt exposure?
“Hahaha! Oo naman. Wala ring problema. Again, for as long as kailangan sa eksena.”
Sa ngayon ay ine-enjoy muna ni Arjo ang mga good review na nababasa niya sa mga dyaryo at blogs kaugnay sa acting niya sa Dugong Buhay.
“At sana, meron akong magawang movie talaga para maipakita ko pa ‘yung acting ko.”
Ah, ok. ‘Kala ko naman kung ano yung ipapakita niya. Charot!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Arjo Atayde, type mag-indie kahit baratin

  1. he’s not a starlet material! kundi pa anak ng artista for sure walang papansin sa hitsura nito, masyadong malasado!

Leave a Reply

Your email address will not be published.