Arjo Atayde, pinagdududahan ang pagkalalaki

Arjo-AtaydeNATATAWA NA lang si Arjo Atayde sa tsikang may kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki, dahil na rin sa napakahusay niyang pag anap sa MMK Episode na Dos Por Dos bilang bading na nagbibihis-babae.

Tsika nga ni Arjo na lalaking-lalaki siya. If marami raw ang nadala sa kanyang pag-arte bilang bading, acting lang daw iyon. Everytime daw kasing nabibigyan siya ng proyekto, ibinibigay niya ang kanyang 100% para magampanan nang mahusay ang role na ibinigay sa kanya.

Nagpapasalamat na rin daw ito sa mga taong nag-aakalang bading siya dahil sa napanood ng mga ito ang kanyang MMK episode. Ibig sabihin daw ay naging epektibo ang kanyang naging pagganap dahil marami ang naapektuhan nito.

Basta isa lang daw ang masasabi nito, “Lalaki po ako ,hindi po ako bading. Babae po ang gusto ko at hindi kapwa ko lalaki. Hahaha!”natatawang pagtatapos na pahayag ng mahusay na Aktor.

 

“SI ANNE Curtis among Philippine actresses ang gusto kong makasama if mabibigyan ako ng sarili kong soap!” Ito ang naging pahayag ni Mr. Manhunt International 2012 at image model ng New Placenta for Men na si June Macasaet.

Hindi raw itinatago o inililihim ni June ang paghanga kay Anne. Kaya naman daw laking tuwa nito nang mapasama siya sa Dyesebel bilang isa sa mermen na makakasama ni Anne.

“Happy ako kasi makakasama ko si Anne. Bale isa ako sa mermen na makakasama ni Anne. Kami ‘yung good mermen, tapos meron ding mga bad merman.”

Ang pag-arte nga raw ang gustong tutukan ni June ngayong taon. Pero hindi naman daw nito iiwan ang kanyang pagmo-modelo, dahil dito raw siya unang nakilala at nagkapangalan.

Thankful din ito kay Mr. Jaime Acosta CEO/President ng Psalmstre dahil maraming raket  ang ibibinigay sa kanya bilang image model ng New Placenta For Men, kung saan halos nalibot na raw nito ang buong Pilipinas dahil sa pagiging image model ng naturang sabon.

 

NAGING MASAYA ang naganap na Thanksgiving Party ng Unisilvertime, ang nangungunang brand ng relo sa Pilipinas, na ginanap sa Crown Prince Seafood Restaurants, Escolta, Manila last January 10, 2014.

Sa pangunguna ng mga big boss ng Unisilvertime na sina Mr. Albert Que, Mr. William Co, at Mr. King Go na nag-celebrate ng kanyang birthday ng nasabing araw, Ms. Cathy, Sir Gian at Ms. Ebeth .

Dumalo rin at nakisaya ang mga big boss ng Royqueen na sina Mr. Jojo Manto, Mr Edward Yu, Mr. Billy Liu at Ma’am Nancy ng Mario ‘D Boro at Cardams Shoes.

Kung saan dinaluhan ito ng mga image model ng Unisilvertime na sina Sam Milby, Karylle, Derrick Monasterio, Joshua Dionisio, Ken Chan, Bea Binene, Enzo Pineda, Teejay Marquez, at UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Rhem Enjavi, Ron Galang, Miggy San Pablo, Armond Bernas, Raymond Tay at Mark Baracael.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.