Arjo Atayde, pasado sa third sex

Arjo-AtaydeANG LGBT Community ay saludo sa performance ni Arjo Atayde bilang transgender sa “Dos Por Dos” episode ng Maalaala Mo Kaya nu’ng Sabado. Ang buong akala kasi ni Arjo ay baka makulangan o hindi pumasa sa panlasa ng LGBT community ang kanyang ipinakitang akting.

Pero ayon kay Bemz Benedicto ng LGBT Community ay ipinakita lang na ang pagiging magulang ay hindi lang para sa mga totoong lalaki at totoong babae. Kahit ang LGBT ay puwedeng maging responsableng magulang.

Pero lumakas ang loob ni Arjo nang sunud-sunod na ang positive reactions sa Twitter at ng mga kaibigan niya thru text.

“Sobrang hindi ko akalain na ang dami palang nagkagusto sa ipinakita ko. Sana nga, nabigyan ko ng justice.”

And according to our source, maganda raw ang rating, dahil busy pa nga sa kababakasyon ang mga utaw pero nagpamalas ito ng 25.4 na ratings na dati rati ay 22 lang.

Kaya congrats,  Arjo!

Ayan, at nakahinga na nang maluwag ang mommy mong si Sylvia Sanchez, dahil ito ang pinakaninerbiyos. Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.