Arjo Atayde, nanliligaw kay Coleen Garcia?!

Coleen-Garcia-Arjo-AtaydeCONGRATULATIONS SA napaka-successful na second night ng special benefit show ni Vice Ganda na ginanap muli sa Laffline Comedy Bar sa Timog Ave., sa QC, dahil mas malaki raw ito kumpara sa Punchline Comedy Bar sa Quezon Ave., sa QC rin na iisa ang may-ari, nitong Monday lang ng gabi.

Ayon sa isa sa managers ng Laffline at kaibigan namin na si Orli Domingo, alas-siyete pa lang daw ng gabi o mas maaga pa ay napakahaba na raw ng pila sa labas ng naturang comedy bar na halos umabot na sa susunod na kanto.

Walang kiyeme ang sobra sa dami ng mga taong muling nanonood para mag-enjoy at gustong makapagbahagi ng tulong sa mga nasalanta ng super bagyong Yolanda.

Gaya nu’ng Biyernes ng gabi na punung-puno rin ng manonood, marami na naman ang hindi umubrang makapasok sa venue, kaya masuwerteng nagsipuntahan na lang daw ang ilan sa mga ito sa mga kalapit na comedy bars, sey ng isa sa mga staff ng Laffline.

Buong puwersang nagpasaya rin ang mga co-hosts ng Unkabogable at Phenomenal Box-Office Star sa It’s Showtime sa pangunguna ni Anne Curtis na kumanta ng Firework at binirit ang I Will Always Love You at Alone.

Ang haba rin ng spot number ni Vhong Navarro na ipina-auction ang kanyang suot na black T-shirt na nabili nang P20 thousand, kahit basa ng pawis n’ya, na ikinagulat n’ya.

Coleen-Garcia-Arjo-AtaydeIpinamigay lang naman ni Billy Crawford ang kanyang suot na denim vest.

Nag-duet naman si Coleen Garcia at anak ni Sylvia Sanchez na si Arjo Atayde na magkasabay na umalis, kaya naisip namin kung pormal na nagde-date na ba ang dalawa, dahil present din sa birthday dinner ng young actor last November 5 sa Resorts World ang dalaga na nali-link din kay Billy.

Dumating din ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng na nagpa-auction ng kanilang jersey shirts na nabili ng P20,000 at P15,000, respectively.

Ang kabubuan ng nalikom na pera ng benefit show sa pamumuno ni Vice ay P1,462,000 kasama na ‘yung P321,000 last Friday night at ang P200,000 na galing sa Star Mobile na ini-endorse nito, pati ang P300,000 mula sa sikat na fashion designer na si Paul Cabral na close friend ng komedyante. May nag-donate din ng P148,000 cash from a certain Jackie na nanonood din nu’ng Biyernes at nagpakawala rin ng ilang libong piso para sa auction for two nights.

 

BALIK-KAPUSO SI Ryan Agoncillo matapos ang mahabang taon. Although hindi raw exclusive contract ang pinirmahan n’yang kontrata sa GMA-7 kundi para lamang sa kanyang bagong show na Picture! Picture! na mapapanood tuwing Sabado ng gabi simula ngayong November 23, katapat ng show ng kanyang asawa na si Judy Ann Santos na Bet on Your Baby sa ABS-CBN.

Dahil sa pagkakabangga ng mga programa nilang mag-asawa, napa-dialogue daw tuloy ang panganay nilang anak na babae na si Yohan na mukhang kakailanganin ng bagets na manood ng mga ito sa dalawang TV sets.

May offer din daw talaga kay Ryan ang pinanggalingan n’yang TV network na TV5 bago tinapos ng mga ito ang kanyang show ro’n noon na Talentadong Pinoy. ‘Yun ang Let’s Ask Pilipinas na kasalukuyang si Aga Muhlach ang host.

Maging ang Kapamilya Network ay nag-offer din daw ng show sa kanya. ‘Yun nga lang, bilang asawa at ama ay tila mas gusto ng mister ni Juday na once a week lang muna ang kanyang pangalawang palabas since Monday to Saturday naman din s’yang nagta-trabaho at napapanood sa Eat Bulaga bilang isa sa mga dabarkads for how many years na rin at talagang napamahal na raw sa kanya.

Hindi pa masabi nina Ryan at Ms. Lilybeth Rasonable na isa sa mga bossing n’ya ngayon sa Siyete kung hanggang ilang season ang tatakbuhin ng Picture! Picture!

Sana raw ay maging tulad ito ng Celebrity Bluff ni Eugene Domingo na umabot na raw ngayon ng isang taon o ‘di kaya ay abutin ng forever, positibong tingin ng lady boss.

Nais din daw subuking muli ni Ryan ang News and Public Affairs shows ng GMA-7, gaya ng pagho-host ng isang documentary program na malamang akmang-akma rin sa kanya.

Nang biniro naman namin si Ryan kung kailan nila balak sundan ang bunsong anak na lalaki na si Juan Luis o Lucho, “Tignan natin ‘pag sinuwerte,” natatawang sagot ng mister ni Judai.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

7 thoughts on “Arjo Atayde, nanliligaw kay Coleen Garcia?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.