Arjo Atayde, naluha sa kanyang best supporting actor trophy sa Star Awards

Arjo-AtaydeMARAMING NAGING emosyonal habang pinapanood ang mahusay na batang actor na si Arjo Atayde habang ibinibigay nito ang kanyang ‘thank you’ speech ng isa siya sa tinanghal na Best Supporting Actor para sa kanyang mahusay na pagganap sa Dugong Buhay sa katatapos na Star Awards for Television 2013. Ka-tie ni Arjo ang equally-good actor na si Arron Villaflor na nanalo naman sa mahusay niyang pagganap sa Juan Dela Cruz.

Inialay ni Arjo  ang kanyang pagwawagi sa lahat ng taong tumutulong sa kanya mula sa ABS-CBN, big bosses ng Kapamilya Network, staff ng kanyang mga naging show hanggang sa kanyang mga tagahanga at lalung-lalo na sa kanyang pamilya, sa kanyang very supportive mom (Sylvia Sanchez) at lola.

Hindi nga raw inaakala ni Arjo na kahit bagito pa siya sa showbiz ay napansin na ang kanyang galing sa pag-arte. Ito nga raw ang ikalawang pagwawagi nito ng award, ang una ay nang tanghalin siyang Best New TV Actor last year sa Star Awards for TV 2012.

 

MASUWERTE ANG tinaguriang Twitter Cutties at isa sa sikat na boyband sa bansa, ang UPGRADE, dahil isa sila sa magiging espesyal na panauhin sa launching ng newest album ng tinatayang pinakasikat na boyband na One Direction sa darating na Nov. 30 sa Glorietta 5, 10am-6pm.

Happy nga ang UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Ron Galang, Rhem Enjavi, Raymond Tay, Armond Bernas, Mark Baracael at Miggy San Pablo dahil sa dinami-rami ng boyband sa bansa, isa sila sa napiling mag-perform at awitin ang ilang kanta ng One Direction.

Kakantahin ng UPGRADE ang ilang pinasikat na kanta ng One Direction at ilang kanta na nakapaloob sa bagong album ng sikat na grupo. Naging isa sa espesyal na panauhin din sa Brgy. LSFM sa Barangay Marilag, Project 4, QC kagabi, Nov. 26.

Napapanood ang grupo sa Walang Tulugan With The Master Showman every Saturday midnight at isa sa sought-after endorser sa bansa, ilan sa kanilang ineendorso ang UnisilverTime, Rescuederm, Royqueen Gadgets, Mario D’ Boro Shoes, at Dental First.

 

MAY EARLY Christmas Gift para sa mga tagahanga ng all-male group na regular na napapanood sa Walang Tulugan With The Master Showman na Detour sa kanilang Pamaskong awitin na “Ikaw Ang Aking Pasko” na composed ni Rudell Ramirez at produced ni Raffy Calicdan.

Mapakikinggan na ang kanilang Christmas song sa iba’t ibang radio stations sa bansa at mapapanood sa MYX sa Studio 23, na saan star-studded ang MTV kung saan ilan sa naging espesyal nilang guest stars ay sina Mr. German Moreno, Hiro Peralta, Jake Vargas, Teejay Marquez, Jackilou Blanco, Ren Escano, UPGRADE, John Nite, at iba pa.

Maaari na ring i-download ang “Ikaw Ang Aking Pasko” sa www.opm2go.com at ang proceeds nito ay mapupunta sa Philippine Red Cross at sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Arjo Atayde, naluha sa kanyang best supporting actor trophy sa Star Awards

  1. nakakabuwiset na itong si john fontanilla napaka-OA… dyusko, para namang napakaraming boyband sa pilipinas noh! at sino ba yan upgrade na yan? hindi nga kilala dito sa amin yan hahahahaha!

    at star-studded talaga huh! nasaan ang mga stars??? hahahaha! baka mga laos na stars, hakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.