Arjo Atayde na-challenge sa baklitang role

Arjo-AtaydeANG PAPEL na bading naman ang role na ginampanan ni Arjo Atayde sa episode ng Maalaala Mo Kaya last Saturday. At sa mga nakapanood, marami ang nagsasabing napakahusay ni Arjo na magbading. Kahit na alam naman ng lahat na lalaking-lalaki ito sa totoong buhay ay napakaepektibo ng akting nito sa drama anthology.

Ayon nga kay Arjo, medyo nahirapan siya sa kanyang role dito. Sobrang na-challenge daw siya dahil nga hindi ito sana’y na magsuot ng pambabae at magkaroon ng makapal na make-up. Pero dahil gusto raw nitong magampanan ang iba’t ibang role, tinanggap nito ang nasabing episode ng MMK.

Bukod nga sa MMK, nakatakda rin itong magbida sa bagong soap ng ABS-CBN na nakatakdang mapanood ngayong unang bugso ng 2014. Kaya naman pihadong may aabangan na naman ang mga tagahanga nito na bagong teleserye ng kanilang idolo.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Arjo Atayde na-challenge sa baklitang role

Leave a Reply

Your email address will not be published.