Arjo Atayde, may itinatagong kapilyuhan

2 Arjo-AtaydeMAY LIBOG din pala si Arjo Atayde. Sa unang tingin, akala mo prim and proper ang actor bukod sa mahiyain ang dating. May pilyo side din ito na the other night sa tsikahan namin with some press friends, kahit sinasabi niya na wala siyang sex life, nagtaas-kilay lang sina Vinia Vivar, Reggie Bonoan at Pilar Mateo sa kanyang statement na alam mong hindi mo paniniwalaan.

After his performance sa MMK last Saturday where he played a cross-dresser, akala ng publiko, may “beki” factor si Arjo. Pero ang totoo, goodboy lang. Tulad ng sabi niya: “No sex life”.

Maniniwala ka ba? Basta ang alam ko, he’s preparing para magustuhan ng Cosmopolitan Philippines para mapasama sa kanilang yearly Cosmo Bash, kung saan ang mga mhen, rarampa on stage para ipagmalaki ang kanilang mga katawan at kung ano pa mang nakatago sa pagitan ng kanilang mga hita.

Pahabol ni Arjo, ewan ko kung biro, iniipit naman daw niya ang “kanya” sa pintuan ng aparador para…

Tuloy biro ng isang beking reporter, “Sana ako na lang an aparador.”

 

HINDI GANUN ka-familiar ang pangalan ni Benito Bautista sa Pilipinas. Kung hindi ka pa mahilig manood ng indie films o isa sa mga regular fan ng Cinemalaya at indie film festivals, malamang sa hindi, never heard ang name niya.

Sa itsura at looks, tipong “tattoo artist” si Direk Benito. Bata pa. Jeproks na tipong rocker ang dating na cool na cool. Nahasa siya sa mga pelikulang Hollywood na naging training ground niya para maging full-pledged director ng pelikula.

Sa kauna-unahang “commercial” film niya na produced ng Capestone Film Production at ire-release sa pamamagitan ng Solar Entertainment, mukhang may promise ang Mumbai Love starring Solenn Heussaff at Kiko Matos. Sa trailer na napanood namin na maganda at glossy as what we have written sa last column natin, impressive ang project.

Si Direk Benito ay isa sa 30 finalists from around the world na lumaban sa Busan International Film Festival Asian Project Market. Ang unang project niya na narrative film na Boundary ay ginawaran ng NETPAC as Best Film winner sa Cinemalaya last 2011. He also received the Philippine Daily Inquirer’s Indie Bravo Award noong 2012 for creating films that received international acclaim and recognition.

Track record wise, hindi kung saan-saan lang pinulot si Direk Benito para mag-direk ng Mumbai Love na sa trailer pa lang, swak na sa panlasa namin. By the way, si Direk Benito was part of the film Milk starring Sean Penn about the life of a San Francisco (California) Gay Activities na naging bahagi ng pagbabago ng gay rights sa Amerika.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.