Arjo Atayde, magbibida sa malaking proyekto sa Dos!

SIMPLENG WISH lang sa kanyang 22nd birthday ang gusto ng isa sa itinuturing na mahusay na young actor sa kanyang dekada at may double nomination (Best Male TV Personality at Best Single Performance By an Actor) sa darating na Star Awards For Television sa Nov. 18 na si Arjo Atayde. Ito ay ang para sa kanyang mga pinsan na maging successful daw sa kani-kanilang buhay at para sa kani-

lang pamilya na magkaroon ng malusog na pangangatawan.

Wala na nga raw mahihiling pa si Arjo, dahil halos lahat ay nasa kanya na mula sa material na bagay, magandang itinatakbo ng career at masaya, mapag mahal at very supportive na pamilya. Para nga sa mabait na binata, may magandang regalo na nga raw siyang natanggap at ito ay ang dalawang nominasyong nakuha sa darating na Star Awards for TV.

Pero hindi raw siya umaasang mananalo dahil sa mabibigat din ang kanyang mga kalaban. Bonus na raw para rito kapag tinawag ang kanyang pangalan bilang nanalo sa Gabi ng Parangal.

Magsisilbing inspirasyon daw sa kanya ang nakuhang nominasyon sa Star Awards para pag-

husayan pa ang kanyang pag-arte lalo na’t sa pagpasok ng 2013, isang malaking proyekto ang kanyang gagawin sa ABS-CBN, ang remake ng Dugong Buhay na pinagbidahan noon ni Sen. Bong Revilla.

 

HINDI NA raw matutuloy ang paglipat sa GMA 7 ng ABS-CBN star na si Lauren Young na matagal-tagal na ring napapabalitang mag-aalsa-balutan sa kinalakihang network, at napabalita pa na nakita sa bakuran ng Kapuso Network at kausap ng mga ehekutibo ng nasabing network.

Tsika nga ng aming

source, hindi raw pinayagan ng Kapamilya Network ang young star nang malaman ng mga ehekutibo ng nasabing istasyon ang plano ng dalagang mag-ober da bakod na. Kaya naman daw ipinatawag ito at inalok ng mga bagong proyekto.

Wala naman daw sanang balak lumipat ng ibang istasyon si Lauren. Nalungkot lang daw ito nang after maipalabas ang pinagbidahang show dati sa kanyang home studio, hindi na ito nasundan pa muli. Kaya naman ang ending, napag-isip-isip nitong lumipat sa ibang TV network para magkaroon ng proyekto.

Dagdag pa ng aming source, ngayon daw ay binigyan na muli ng bagong proyekto si Lauren at nagkaayos na sa kanyang home studio, kaya naman daw malabo na itong makalipat pa sa GMA 7. ‘Yun na!

 

MARAMING NAGSASABING leadingman material ang Tweenstar na si Hiro Ma-

galona na napapanood sa morning serye ng Kapuso Network na Cielo De Angelina, kung saan ginagampanan nito ang role ni James na mayaman at may lihim na pag tingin kay Cielo.

Tsika nga ng isang kapatid sa panulat, sa ganda ng mukha, magandang tindig at galing sa pagganap, isa raw si Hiro sa puwedeng sugalan ng GMA 7 para maging isa sa leading man ng Kapuso Network.

Puwede na nga raw itong ipareha sa mga lead actress ng Kapuso Network, like Lovi Poe, Heart Evangelista, Bianca King, Louise Delos Reyes, Marian Rivera, Carla Abellana, atbp. Nang sa ganu’n ay magkaroon ng newbreed of lead actor ang GMA 7 na susunod sa yapak nina Dennis Trillo, Richard Gutierrez, Sid Lucero, Mike Tan, Mark Herras, Geoff Eigenmann, atbp.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Arjo Atayde, magbibida sa malaking proyekto sa Dos!

Leave a Reply

Your email address will not be published.