Arjo Atayde, kinikilig ‘pag kasama si Alex Gonzaga

Arjo-Atayde-Alex-GonzagaMATAPOS MAGBAKASYON sa Thailand nitong Holy Week kasama ng kanyang buong pamilya, balik agad si Arjo Atayde sa pagti-taping para sa Pure Love. Ito ang bagong romantic-comedy series ng ABS-CBN na unang pagkakataon ay pinagtambal sila ni Alex Gonzaga.

“Sa May na po kami mag-i-air,” excited na sabi ni Arjo. “Siguro po mga third week o bago mag-end ang May.”

How was it working with Alex naman? “She’s very professional. At saka masaya siyang kasama.”

Masasabi ba niyang may nabuo nang magandang chemistry sa pagitan nila? “Hindi ko pa po masasabi ‘yong chemistry. Pero ‘yon… we work on it naman po. Of course, we’ll work it out naman po.

“And marami nang mga eksenang nakunan na magkasama kami. May mga kilig scenes at intense scenes na rin of course. Bago nag-start ‘yong taping namin, nag-workshop muna kami under Tito Noni Buencamino.”

Ano’ng feeling no’ng kinukunan ang mga kilig scenes nilang dalawa? “Ah… kinikilig ako!” sabay tawang pag-amin ni Arjo. “Halos every scenes namin together, kinikilig ako. “Pero ‘yong pinaka-intense na scene namin together, ‘yong first meet up namin.”

May kissing scenes sila? “Hindi ko puwedeng sabihin, eh. Hintayin na lang natin kapag umere na ‘yong show.”

Hindi ba niya naiisip na baka may magselos o mag-react sa part ni Alex? “As far as I know, wala naman po, eh. Wala naman po.”

Close na ba  sila? “Close. Pero hindi… sobrang close. Ano lang kami… siguro I’m getting to know her pa. Kasi this is the first time na nagsama kami. It’s really fun to work with her. Kasi of course she is a person who likes to always smile. Lagi siyang nagpapatawa. And… ‘yon, I’m very happy working with her kasi she’s one of my dream leading ladies, eh.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.