Arjo Atayde, kinalakihan na ang mga bading

1 Arjo-AtaydeMAGALING SI Arjo Atayde. Natuwa kami sa ipinamalas niyang pag-arte sa MMK sa unang episode ng drama anthology last Saturday evening.

Maging ang LGBT community ay nasiyahan sa objective ng MMK at ng Kapamilya Network na bigyan ng positibog imahe ang LGBT, lalo na ang mga cross dresser na magandang image sa publiko.

Ang role kasi ni Arjo ay isa sa mga pinapangarap ng mga aktor nating mga kabataan na gampanan which will elevate their status into real actors and performers.

Hindi alintana ni Arjo ang role niya as a cross-dresser lalo pa’t secured naman ang aktor sa kanyang sexuality.

Tulad ng lagi niya ipinahahayag, malaki ang paggalang niya sa mga bading (in all levels and type) lalo pa’t nakamulatan niya na ang mundo ng ina niyang si Sylvia Sanchez ay mga bading ang nakapaikot dito from personal friends to her hair and make-up artists and stylist.

Marami nang napatunayan si Arjo bilang isang bagitong aktor pero sa mga karanasan niya, I could say na maihahanay na rin siya sa batikang young actors ng ABS-CBN tulad nina John Llyod Cruz, Coco Martin and the likes sa mga magagandang projects na nilabasan niya.

Hoping na ang 2014 ay isang mas magandang taon para sa aktor.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Arjo Atayde, kinalakihan na ang mga bading

Leave a Reply

Your email address will not be published.