Arjo Atayde, dream role na masapak ang inang si Sylvia Sanchez sa isang project

Sylvia Sanchez with son Arjo Atayde

KAHIT isa nang award-winning actor si Arjo Atayde ay hindi pa rin daw nagkukulang ang inang si Sylvia ng paalala dito.

“Sina-sample ko lagi sa kanya ang sarili ko, nu’ng bago ako, hanggang narating ko ‘to. ‘Yon ‘yung inuumpisahan ko lagi sa kan­ya.

“Tapos, eto lang, parati ko namang sina­sabi sa kanya, pakikisama, huwag pasa­way, ma­ging professional, galingan, mahalin (ang trabaho) at higit sa lahat, huwag mamili ng tao sa set, ke boss ‘yan, ke BUH ‘yan, ke uti­lity ‘yan. ‘Yun ang sinasabi ko sa kanya,”  pahayag ni Sylvia.

Dagdag pa ni Sylvia, “And thankful ako, honestly, hindi sa yabang pero ‘yung nakikita kong itinuturo ko sa anak ko, slowly, nakikita ko. Dito ko nakita na sabi ko, ‘Hindi ako nagkamali,’ kasi kahit paano, kinukuha ni Arjo at ginagawa niya.”

Magkasama ang mag-ina sa afternoon series na Hanggang Saan na malapit na ring matapos.

Tanong namin kay Arjo, gusto ba ulit niyang makasama ang mommy niya in another teleserye?

“Hindi naman puwe­deng sunud-sunod, kami lang nang kami,” sagot niya.

Pero kung mabibigyan ng chance, gusto raw niyang maging barkada si Ibyang sa isang project para mabatuk-batukan niya ito at masapak.

Hahaha. Nakakaloka si Arjo.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

One thought on “Arjo Atayde, dream role na masapak ang inang si Sylvia Sanchez sa isang project

Leave a Reply

Your email address will not be published.