Arjo Atayde, determinado sa kanyang showbiz career

PURSIGIDO AT determinado si Arjo Atayde na makilalang mahusay na aktor balang-araw, tulad ng kanyang inang si Sylvia Sanchez na itinuturing na isa sa magagaling na character actress sa bansa.

Pinatunayan ito ni Arjo nang halos i-pressure na siya ng mga kamag-anak sa father side na ituloy na lang ang college at dini-discourage siyang mag-showbiz. Pero nasa dugo nga ng binata ang showbiz, kahit pa ang gusto ng ama niyang businessman na si Art Atayde at ng mga in-laws ng kanyang mom na mag-business siya.

Kaya naman ‘di birong disiplina ang ginawa ni Arjo sa kanyang sarili bilang paghahanda sa palabas na ngayong teleserye sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN na Dugong Buhay.

Natatandaan namin last quarter of last year, nakatsikahan namin ang binata. Inamin niya noon na inakala niyang wala na siyang puwang sa showbiz, dahil ilang buwan na rin siyang nakatengga after ng E-Boy at ng award-wiining performance niya sa ‘Bangka’ episode ng Maalala Mo Kaya.

Pero si Arjo na rin ang nagbanggit na may malaki siyang proyektong pinaghahandaan, kasama si Ejay Falcon, na hindi nga raw puwedeng banggitin kung ano, maging ang title nito. Ito na nga ang umeere ngayong Dugong Buhay, kung saan gumaganap ang magaling na batang aktor bilang main nemesis ng character ni Ejay.

Nito ngang makaharap namin si Arjo kamakailan lang, ang laki ng pinagbago ng physical looks ng binata. Halos wala na ang kanyang baby fats sa katawan at nag-trim na rin ang noo’y chubby face niya, na mas bumagay naman sa kanyang pagiging mestiso.

Aniya, “Oo, medyo mataba ako dati. May natutuhan akong diet (regimen) sa isa kong kaibigan. One cup of rice lang sa tanghali, tapos sa gaibi wala nang rice… vegetables, fruits, beef, chicken basta no pork. ‘Yun lang tapos work-out sa gym. Basta low fats and low calories lang na food.”

Pagdating naman sa pag-arte, nasabi sa amin ni Arjo na hindi raw siya nagwo-workshop o uma-attend ng mga workshop na ginagawa ng ibang kabataang artista. Katuwiran niya, “Ayoko kasing parang de-numero ang acting o ‘yung parang ‘pag sinabing ganito ang character, ganito agad ang gagawin.”

Bagama’t aminado naman si Arjo na noong una, nag-acting workshop din siya at dapat daw ay graduate na siya roon. Basics na lang din naman daw ang matututuhan niya. “Parang balik-Grade I kasi,” dagdag niya.

Mas gusto raw kasi ng binata ng mag-explore sa kung anumang character ang ibibigay sa kanya sa pamamagitan ng character workshop na ipinagagawa na mismo ng kanilang director.

Ang nakakatuwa kay Arjo, lutang na lutang ang pagiging isa pa rin niyang fan, at hindi siya naiilang o nahihiyang ipangalandakan na sobra nga raw siyang fan ni John Lloyd Cruz. Na pinanood niya ang lahat ng movies ni Lloydie, at nasa-sabihan na siya ng inang si Sylvia na OA na nga sa pagka-fan kay Lloydie.

Hindi rin daw magiging maarte si Arjo sa mga proyekto. Kung kinakailangang magpa-sexy, o magkaroon ng love scene with actor of same sex, walang problema sa kanya. Katuwiran niya, aktor siya, at dapat lang gawin ang kanyang trabaho as professional actor, as long as it is done in good taste.

Sa katunayan, diretsong inamin sa amin ni Arjo na crush niya si Yam Concepcion, ang leading lady nila ni Ejay sa Dugong Buhay. Nang matanong nga kung okay lang sa kanya kahit ‘sexy star’ si Yam? “Art naman ‘yung ginawa niya, trabaho bilang professional actor. Wala namang masama du’n kung magka-crush ako sa kanya.”

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

2 thoughts on “Arjo Atayde, determinado sa kanyang showbiz career

Leave a Reply

Your email address will not be published.