Arjo Atayde, atat maka-eksena ang inang si Sylvia Sanchez

BLIND ITEM: Hay, nako… hindi talaga kami makapaniwala. At lalong hindi kami maka-move on sa nabalitaan namin. Paulit-ulit pa nga kami sa aming kausap, eh. “Ano, ‘yung yaman niyang ‘yon, baon pa sa utang ngayon? My goodness!”

Hindi muna kami magbibigay ng clues. Basta isa sa mga umubos ng “kayamanan” ng taong ito ay ang kanyang “pambababae”.

Akala ko ba, eh….

 

BLIND ITEM uli: Nag-ring ang aming telepono. A friend from the province ang kausap namin, “Juice ko, Ogs, nanonood lang kami ngayon. Naalala ko na naman ang sama ng ugali ng batang ‘yan nu’ng sila pa ni ______ (isang young actor).

“Kumain sa bahay namin ‘yan, nu’ng sila pa ang mag-boyfriend. Tapos, all throughout, ayaw kumibo, hindi nagsasalita, parang wala sa mood. Kakain ka, naka-shades ka pa at hindi ka man lang ngumingiti.

“Tapos, ayaw pang magpa-picture-taking with my kids. Right after eating, alam mo ba, dire-diretso siya sa van niya. Gano’n lang, Ogs. Sinumbong ko nga sa ate niya, eh. Ba’t gano’n naman ang kapatid niya?

“Pasensiya na raw at wala sa mood.

“Alam mo, Ogs, ‘yung kalabtim na lang niya ang sumalo sa kanya. ‘Yun ang nagpa-picture. Kaya nu’ng naghiwalay sila, siyempre, kinampihan namin ng family ko ‘yung lalaki, dahil nga ‘yung simpleng gesture nga sa ibang tao, ganyan ka? Malamang, siya ang may kasalanan kumbakit sila nag-split!”

Na-high blood na talaga ang friend namin, kaya raw everytime makikita niya raw ito sa TV at nagpapa-sweet, sumisigaw siya ng, “Ang plastik mo, ‘Day!”

 

PANGARAP NI Arjo Atayde na makasama sa isang teleserye ang kanyang inang si Sylvia Sanchez at hindi nga alam ni Arjo kung kakabahan siya o hindi, dahil nanay niya ang kaeksena niya.

“Siyempre, Ogs, wala namang nanay-nanay ‘pag eksena. Unless, mag-ina ‘yung character namin. Saka pare-pareho kaming actors sa scene, kaya galingan niya.

“Naniniwala naman ako sa anak ko na kaya niyang umarte kahit nanay pa niya kaeksena niya, eh.”

Pero si Arjo talaga ang looking forward to work with his mom. Actually, sana nga raw, after Dugong Buhay ay makasama na niya sa susunod ang mom niya.

So far, natutuwa naman si Arjo dahil sa good reviews sa acting niya sa Dugong Buhay.

“Kahit inaabot kami minsan ng 6 or 7am, okay lang. Hindi ako nagrereklamo. Kasi, gusto ko talaga itong pag-aartista, eh. Kaya ayokong maging pasaway sa set!”

Meron bang pasaway sa set, Arjo?

Inintriga pa raw namin, o!

 

ANO RAW ang masasabi namin sa pagpapalit ng anyo ni Charice Pempengco since nakaaway raw namin silang mag-ina nu’ng araw?

Una, kinalimutan na namin ang away na ‘yon at move on, move on din ‘pag me time.

Pangalawa, si Charice na ang nagsabi, masaya siya sa pag-a-out niya at happy rin siya na tinanggap at inunawa siya ng supporters niya.

Hindi naman natin maibibigay ang personal niyang kaligayahan, kaya sino tayo para husgahan ang “choices” niya sa buhay?

Saka kung ready naman si Charice na harapin ang “panibagong pakikipagsapalaran sa buhay” whether aani siya ng raket or hindi eh, dahil ‘yun sa resulta ng kanyang happiness.

Raket lang ‘yan. Pera lang ‘yan. Pero iba pa rin ‘pag nandu’n ang kaligayahang personal at emosyonal.

Kaya alam na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

8 thoughts on “Arjo Atayde, atat maka-eksena ang inang si Sylvia Sanchez

  1. Ogie, 
     Alam ko you don’t like Kim Chui, hindi ba noon nag guest ka sa banana split na yung segment yung ihaw na ni Jayson Gainza and then sa fast answer tinanong sayo Maja or Kim ang Sabi mo Maja? Pwede namang Both. Anyways, Kung blind item mo si Kim eh sana Lang naman harapan mo sabhin. Kakasawa na yang blind item o patama mo Kay Kim Chui eh. Just because your in favor with Maja, wag mo sanang I bash si Kim ng palalim. Okay? Thank you. 

  2. Di naman issue ang pagiging tomboy o lesbian ni charice, ang nakakairita lang sa kanya, ang dami pa nyang kaartehan pag tinatanong eh kilig na kilig naman. parang pusang naglalandi na di mo maintindihan, yes or no lang ang isasagot, di pa nya masagot ng derecho. naaamin nga nya na tomboy sya pero di naman nya masagot ng derechong “oo, girlfriend ko siya, nagtanan kami.” pag kasi sumasagot siya, andun pa rin ang kaartehan nya, pa-cute na di naman cute. Si Ayza kasi pag tinatanong, simple lang pagsagot nya at derecho, wala siyang pagpapa cute na ginagawa at walang kaartehan. at saka baguhin naman nya ang style nya, mukha siyang di naliligo dahil sa buhok nya. Tinatakpan ba nya ang noo nya at lahat ng buhok sa likod eh nasa noo na nya. ang bano naman ng stylist nya ngayon.

    • KAW NAMAN. PABAYAAN MO NANG KILIGIN ANG BATA. 21 Y/O LANG SYA. BAKA FIRST SERIOUS LOVE. PLUS, ANG DAMING CAMERAMEN AT STAFF SA PALIGID. NAKATUTOK PA SA CAMERA. 

  3. baka si willie yang nasa BI, kasi di ba nga napakayaman niya? kaya ang sabi ni ogie hindi siya makapaniwala..  doon sa 2nd BI, si christine reyes ang naiisip ko

    • ay, baka si pacman, kasi may bitin siyang sinabi sa huli na, “akala ko ba eh’…  (religious siya devah?)

  4. HIRAP NG B.I. MO NGAYON, OGIE HA. HINDI KAYA SI CHARICE YANG B.I.#1 MO? PERO TEH, DI NAMAN DAW SYA NAGHIHIRAP. KABIBILI NGA LANG NG BMW EH. SABAGAY, BAKA NAMAN SOBRANG MAKAHUTHOT ITONG SI ALYSSA.

    SINO NAMAN YUNG B.I.#2? HINDI KAYA SI GURL YAN NA DI MAKA-MOVE ON DAHIL IN LAB NA IN LAB ANG KANYANG EX AT ANG KANYANG EX-BFF?

    YANG SI ARJO ATAYDE, NAKAKAARTE NAMAN PERO MUKHANG HE LOOKS OLDER THAN HIS REAL AGE. SA TRU LANG, ATENG IBYANG! AYAN OH, LOOK MO SA PIC. HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.