Arjo Atayde, aariba ngayong year of the horse

Arjo-AtaydeUNANG NABIGYAN ng pagkilala ang galing sa pag-arte ni Arjo Atayde sa Bangka episode ng Maalaala Mo Kaya. Nanalo siya bilang best new TV Personality sa PMPC Star Awards For Television noong 2012.

Last year, muli ay nabigyan siya ng pagkakataon na maipamalas ulit ang kanyang husay bilang bagong umuusbong na young dramatic actor sa isa ulit na episode ng MMK. Nakapareha naman niya rito ang young comedienne na si Kiray.

Sa pagbungad ng taong 2014, natutuwa si Arjo Atayde na siya ulit ang bida sa naging pambuwena-manong episode ng MMK. Ginampanan naman niya ang papel ng isang gay na nagkaroon ng mga ampon na ipinaglaban niya kontra sa mapang-abusong ina ng mga ito.

Malapit na ring umere ang romance-comedy series na pinagtatambalan nila ni Alex Gonzaga sa ABS-CBN. Ngayong Year of the Horse, inaasahan ni Arjo na parang pangarerang kabayong aariba pa nang husto ang career niya.

Puwede!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Arjo Atayde, aariba ngayong year of the horse

Leave a Reply

Your email address will not be published.