Arjo Atayde, aagawin si Kim Chiu kay Xian Lim?

ANG BEAUTIFUL/PETITe ABS-CBN star na si Kim Chiu ang isa sa mga crush ng isa sa maituturing na magaling na teen actor sa kasalukuyan na si Arjo Atayde, na bukod sa galing umarte ay magaling ding kumanta at sumayaw.

Tsika nga ng teen actor at anak ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez, masyadong nagagandahan at nababaitan siya kay Kim, bukod pa raw sa magaling itong umarte. Sa ngayon daw ay nagkakilala na sila pero hindi pa raw sila ganu’n ka-close.

Pero pag-amin ni Arjo, wala naman daw siyang balak ligawan sa ngayon si Kim at wala itong balak na agawin kay Xian Lim, dahil ang focus daw niya ay ay ang kanyang gumagandang career. May tamang panahon daw para manligaw at magkaroon ng girlfriend.

Sa ngayon daw ay mas gusto muna nitong bigyan ng oras ang kanyang trabaho lalo na’t binibigyan siya ng ABS-CBN ng magagandang proyekto katulad ng project niya ngayon, ang Dugong Buhay, kung saan napapansin ang kanyang husay sa pag-arte.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

11 thoughts on “Arjo Atayde, aagawin si Kim Chiu kay Xian Lim?

  1. akala ko ba yung nakababatang kapatid ni panga ang pinopormahan nito?? mahilig ka pala sa buto buto. lol 
    o baka naman gumagawa lang issue, sa sikat kunwari may gusto para makilala agad ang pangalan niya. 

  2. Agawin? paano nya agawin eh di naman magsyota si bangkay at si kapre no?   Pakulo lang ng arjo na yan para pagusapan.  Si bangkay ay in lab paren ke budz!

    • YAHAHAHHAH….LOL…. EH SI KAPRE, KANINO IN LOVE KAYA?,,,,,,,,,MAY PINAG NANASAANG MALE REPORTER SILA DATI NI ENCHONG….EWAN KO KUNG AYUN PA RIN ANG TYPE NIYA….HAHAHAHHA

      • HAHAHA. TRULILI BA YAN? KUNG TRULILI YAN, ABA, BAGAY SILA NI MALE REPORTER. PAREHONG CLEAN CUT. DEVAH? NAKOH, HINDI SI MAMA ENCHANG HA. SI XIAN! HAHAHAHA

  3. kim chiu the IT girl and crush ng bayan talaga at kapwa kasama sa showbiz na mga lalake daming me crush sa kanya kaya lang own by xian na siya bait naman si xian perfect looks siya 

    • Patawa si teh Dina.  Ang sabihin mo patay na patay parin si bangkay ke Budz.  Tsaka kung may mga crush man si bangkay di nila crush si bangkay da vah kase nga walking skeleton kasi?  Sinong magkakagusto sa skeleton na may mga tapal na goretex at plastik da vah?  #fact yan teh!

  4. KALOWKAH NAMAN ITONG SI ARJO ATAYDE. SUNUD-SUNOD ANG ARTICLES HA. MUKHANG MAKAPAL ANG LAMAN NG ENVELOPE FROM IBYANG. HAHAHAHAHA. SABAGAY, NAKAKAARTE NAMAN ANG LOLO NYO.

  5. I really like Arjo as an actor. And he has a beautiful talented actress as a mother.
    Thanks for your vocal admiration of Kim Chiu. It shows your good taste.
    In your career, you will rise as fast as Kim Chiu , cuz you are of the same mold.
    Dedicated and focus on the job at hand. God Bless.

Leave a Reply

Your email address will not be published.