Arisxandra Libantino, pinabilib ang mga hurado sa Britain’s Got Talent!

OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka ni Tita Swarding!

‘Eto na naman tayo sa mga karapat-dapat at nararapat sabihin dito sa bagong anyo ni Charice. Kaloka, as in hindi pa siya nagkasya sa pabagu-bago ng kulay ng buhok.

‘Eto na, talagang ladlad na. Kasi nagulantang ako pagbukas ko ng FB, bumulaga sa akin ang picture na muntik ko nang hindi makilala. Kasi nga naman, lalaking-lalaki ang dating, pati buhok iba na naman na parang ginagaya ang buhok ni Daniel Padilla.

Pero teka, pati pananamit, talagang tinalo pa si Aiza Seguerra na talagang naka-polo na at pantalon. Na sa biglang tingin, akala ko talagang si Psy ng Gangnam Style, kasi parehas manamit. Nu’ng tiningnan kong mabuti, OMG, si Charice pala!

Na talagang ladlad na, na tunay nang tiboli.

Hindi man niya sabihin, pero sa ayos at dating niya, kumpirmadong tiboli green si Charice na may nagsabi nga sa akin na sana baguhin na rin niya ang pangalan niya, gawing Charlie.

Pero napanood ko nu’ng isang araw, pinagtanggol siya ni Sarah Geronimo, na ok lang naman sa kanya kung saan siya maligaya, go! Pero hindi alam ni Charice, ok, maligaya nga siya but then lumubog naman ang career niya. ‘Di ba mula nu’ng paiba-iba siya ng anyo, binitawan na siya ni Ophra at ni David Foster.

Aywan ko kung ano na ang mangyayari sa career ni Charice kung ganyan na siya. Ang dapat, siya ang nakapapansin sa sarili niya, na wala na siyang fans. Sayang lang ang pinagsikapan niya. Marami pa riyan na sa darating na araw, kasapi na rin sila ng Ladlad party-list na dapat tangkilikin ng mga kalahi ko, para naman may tagapagtanggol tayo sa Kongreso.

To name a few na may mga bahid tiboli ay sina Angeline Quinto, Yeng Constantino, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga… tingnan natin sa mga darating na araw kung sino ang unang maglaladlad. ‘Yun na!

 

ANYWAY, ISANG 11 years old na naman ang nagpapakita ng galing sa pagkanta, at ito ay si Arisxandra Libantino na talent ng aking kaibigan na pinsan din ni Direk Buboy Tan, si Romulo Tan Palma, kung saan ay binansagan na singing sensation sa United Kingdom.

Kasi, isa sa nagpapakita ng gilas sa Britain’s Got Talent si Arisxandra na anak nina Aristotle  at Elam Libantino at ipinanganak sa Llanera, Nueve Ecija.

Nu’ng kumanta na siya, ang ganda ng comments nina Simon Cowell, speechless sila.

Panganay na anak si Arisxandra, dalawa lang silang magkapatid. Ang parents nila ay nagwo-work as health care assistants sa hospital. Nakatira sila sa Nottingham, U.K.

Balang-araw, maririnig na rin ang kanyang songs sa program ko sa Pinoy Radio UK, Pinoy Radio Nordic at Pinoy Radio France, every Saturday, 10am-12nn (London time) at 6-9pm (Manila time).

Abangan! Don’t forget the name, Arisxandra Libantino!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Arisxandra Libantino, pinabilib ang mga hurado sa Britain’s Got Talent!

  1. in fairness 2da girl magaling za…anoder charice  n jessica inda making pero kc d2 saten pangkaraniwan nlang ung mga batang gnyan kagaling kumanta kya  dinako super impressed like wat happened dati k charice wen she was discoverd dti internationally  at tlagang nakakapangilabot ang reception na nakukuha nyasa foriegn audiens….ang foreign audiens kc di mahirap i please at masipag pumalakpak at mg standing ovation unlike sa filipino audiens na mahirap i pleased at sbinga ngmga performers mismo e tamad pumalakpak khit ngkakandapatid na ugat ngmga kumakanta unless regine v . o sara g. ang ngpeperform na madami tlagang fans…

  2. galing talaga ng pinoy :) , kaso lang may mga mababaw na utak n mga kritiko kumanta lang ng one night only eh kung ano ano na ng mga pinagsasabi kesyo bata pa raw dapat daw inde ganun ang kanta, pti ba naman kanta binibigyan ng kahulugan hayyyy tao nga naman, siguro takot lang sila sa bata kas sobrang galing kya ganon sila wahahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published.