Ariella Arida, natalo sa Miss U dahil sa gown?!

Ariella-AridaKAHAPON DIN dumating si Ariella Arida mula sa Russia, kung saan naging third runner-up lang siya sa nakaraang Ms. Universe.

May iba namang nagmamaganda na nanghihinayang sa ‘di pagkakuha ni Ariella ng korona dahil siya na raw sana talaga. Nasira lang daw ito sa gown na suot niya. Sa evening gown competition daw kasi bumagsak si Ariella, at mabuti na lang mataas siya sa swimsuit kaya nakapasok siya sa top five.

Eh, ang kuwento pa ng mga bakla, ang gumawa daw kasi ng gown niya ay ‘yung Colombian designer na kaibigan ni Stella Marquez-Araneta.

Ito yata ‘yung Cumbia na pinasusuot niya sa mga kandidata ng Binibing Pilipinas.

Sa totoo lang, ang gagaling ng mga Pinoy designer natin kaya hindi na kailangan ang Colombian designer na ‘yun para sa gown na ipasusuot sa mga kandidata na natin.

Ewan ko ba riyan kay Stella Marquez-Araneta na ‘yan!

Tingnan mo ang Miss World-Philippines natin. Mula nang hinawakan ito ni Cory Quirino, wagi lahat, ha! Isa lang yata sa mga winner niya ang ‘di nanalo. Pero malaking achievement ‘yung nakuha natin ang Miss World nang hinawakan ito ni Cory Quirino.

Hay, naku! Tingnan na lang natin kung aayusin ‘yan ni Mrs. Araneta. Abangan na lang natin kung ano ang kuwentong dala ni Ariella.

 

TULUY-TULOY NA ang telethon ng mga TV network para makatulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.

Dito nagkaisa, nagkasama-sama ang lahat para makapag-abot ng tulong sa mga nakaaawang nabiktima ni Yolanda.

May ilan pa nga, hindi na nakararating sa media, nagpaparating sila ng tulong, eh.

Gusto ko ring purihin ang media na talagang nagtiyaga at nakatutok sa mga nasalanta ng bagyo lalo na sa Tacloban, Leyte na apektado nang husto.

Parang ayoko na ngang manood ng news dahil nakaaawa talaga ang mga kababayan natin doon sa Leyte na hindi rin maabot ng komunikasyon, kaya walang paraan ang mga mahal nila sa buhay na nasa ibang lugar kung paano sila ma-check kung okay sila o hindi.

Kaya malungkot ang Pasko natin dahil nakagi-guilty naman kung magkasayahan na ang daming nagugutom, ang daming namatayan at wala na ngang matirhan.

‘Yun ang maganda sa ating mga Pinoy dahil sa ganitong pagkakataon, talagang nagkakaisa para makatulong.

Kahapon yata natuloy ang presscon ni Cristina Gonzalez, ang dating sexy star na isang konsehala na ngayon sa Tacloban, Leyte at maybahay ni Mayor Alfred Romualdez.

Kailangan niyang magpa-presscon at magpaliwanag kung bakit kumalat ang balitang namatay siya sa bagyo at missing pa raw si Mayor Alfred.

Hindi naman namin pinaniwalaan agad ‘yun dahil kung totoo nga ‘yun, eh ‘di sana na-headline agad ‘yun dahil kilalang-kilala sila sa Leyte.

Mabuti na ring magsalita na siya para maparating na rin sa lahat na nag-alala nu’ng kumalat ‘yun.

Abangan n’yo ang kuwento naming ‘yan sa Startalk sa Sabado na magsi-celebrate ng aming 18th anniversary.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Ariella Arida, natalo sa Miss U dahil sa gown?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.