Ariel Rivera, umiral na naman ang kayabangan?

Ariel-RiveraAYWAN KUNG sadyang mayabang talaga si Ariel Rivera dahil nang kunin siya para makasama sa cast ng Doble Kara ay hindi ba naman kilala si Julia Montes, ang lead at bida sa naturang serye. Inamin kasi mismo ng singer at husband ni Gelli de Belen na tinanong nito si Carmina Villaroel kung sino raw ba si Julia?

Kahit nagulat, natawa na lang daw si Carmina sa naging reaksyon at pagtatanong ni Ariel na hindi kilala si Julia. Sinabi raw ni Carmina na isang mabait at mahusay na actress si Julia.

Noon kasi sa kainitan ng kasikatan ni Ariel bilang singer, mayabang ang dating nito lalo nang sabihin nito na hindi niya kailangan ang press. At that time kasi, talagang dinudumog at pinagkakaguluhan si Ariel kahit saan magpunta. In short, talagang sikat na sikat bilang singer. Feeling siguro nito, kahit hindi siya isulat ng press, hindi na kailangan dahil sikat na sikat at pinagkakaguluhan na siya.

Dahil marami ang nakarinig nang sabihin ni Ariel na hindi niya kailangan ang tulong ng press, unti-unti na ring nabawasan ang kasikatan niya. Hanggang sa mawala ang tinatamasang kasikatan at nag-asawa nga sa piling ni Gelli.

Ngayong nabigyan muli ng break sa ABS-CBN para isama sa cast ng Doble Kara, tila umiral na naman ang “hangin” sa ulo ng singer. Katuwiran ba naman na hindi raw siya nanonood ng telebisyon at wala siyang pinapanood na serye sa TV kaya hindi niya kilala si Julia.

Anyway, super happy naman si Carmina sa pagkakasama niya sa serye ni Julia. At least daw ay nawala na ‘yung character niya na super daring at maldita na character niya sa isang serye ng Dos. Medyo asiwa na raw siyang gumanap ng character na daring at maldita, dahil dalaga at binata na ang kanyang kambal.

Ayaw raw niyang dumating ang araw na tanungin siya ng kambal na bakit niya ginagampanan ang ganoong roles.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Ariel Rivera, umiral na naman ang kayabangan?

  1. Di naman talaga kilala ang microstarlet na yan. Ilang beses na pinabida ng Mudra Ignacia, di pa rin sumikat-sikat. Hakhakhak!

  2. Etong baklang mukhang tipaklong na writer na toh, di ko alam kung sadyang mapanira lang o bobo talaga? Kaya nga nagtanong si ariel kase di kilala.. Kayabangan na pala ngaun ang pagtatanong.. Sa hindi naman siguro kilala ng tao si julia.. Sa tagal ba naman nawala sa sirkulasyon non eh di malamang di talaga makikilala yan..

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.