Ari ni mister, muntik matagpas sa gigil ni misis

NAGPAPAGALING NGAYON ang isang mister makaraang muntik nang maputol ang kanyang “manoy” nang kagatin ng kanyang misis na napi-litang makipagtalik sa bayan ng Maramag, Bukidnon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Floro Baligwat, 53 anyos, residente sa nasabing lugar.

Sinabi ng medical staff ng klinika sa nasabing bayan na kinagat ng misis ni Baligwat ang ari ng biktima makaraang magtalo habang nakahiga.

Napaulat na lasing umuwi si Floro at nais makipagtalik sa misis na tumanggi dahil pagod sa gawaing bahay.

Sinampal umano ni Floro ang misis na itinago sa pangalang Laida dahilan para gumanti ang huli at sa halip na romansa ang ibigay ay kinagat nito ang ari na muntik nang maputol.

Tumanggi naman ang mister na idemanda ang misis at inaming siya naman ang may kasalanan habang labis na nahihiya sa naganap sa kanyang buhay.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Ari ni mister, muntik matagpas sa gigil ni misis

  1. BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHASAKIT TIYAN KO SAKAKATAWABWAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.