Ari ng Paslit, Dinaliri ni Ninong

MARILAO, BULACAN – KALABOSO ang isang lalaki makaraang ipagharap ng reklamo sa himpilan ng pulisya ng kanyang kumare, dahil sa umano’y pangmomolestiya nito sa pitong taong gulang na batang babae kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sta Rosa Uno sa bayang ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang dinakip na suspek na si Juanito Yuga Y Bueno, 42 anyos, residente sa nabanggit na lugar, samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Cherry.

Base sa inisyal na im-bestigasyon, alas-12 ng hapon nang pasukin ng umano’y lasing na si Ninong, ang bahay ng biktima.

Nabatid sa salaysay ni Cherry na bigla na lamang pumasok sa kanilang bahay ang kanyang ninong at sapili-

tan umano siyang hinubaran ng damit at pilit na ipinasok ang daliri sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Marilao Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.