Ari ng nene, sinalat at hinalikan ng manyak

SWAK SA KULUNGAN ang isang lalaki matapos paghahalikan at salatin ang ari ng isang nene sa Navotas kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Jen Rubio, 41, ng Galicia St., Bangkulasi ng lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng umaga, tinawag ng suspek ang kapitbahay na nene na edad 7 upang pumasok sa loob ng bahay ni Rubio.

Sumunod naman ang nene at nang makapasok ay agad na sinibasib ng halik sa labi at hindi pa nakuntento ay sinalat pa ang ari ng biktima.

Matapos ang insidente ay pinauwi na ang nene na nagsumbong naman sa mga magulang na naging dahilan upang ireklamo at ipadakip si Rubio.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.