Ari ng magsasaka, sinakmal ng kabayo

POSIBLENG MAPUTULAN ng ari ang isang 19-anyos na magsasaka na sinakmal ng kabayo sa Barangay Taladok, Manuel Peralta sa Davao del Sur, dahil sa naimpeksiyon na ang nasabing sugat.

Ayon kay Dr. Leopoldo Vega, hepe ng Southern Philippines Medical Center (SPMC), na mahigit sa kalahati ang naputol sa ari ng magsasaka nang operahan kamakailan.

“The patient is in stable condition. Surgery done was reconstruction and reanastomosis of the penis and will have to be observed in 48 hours whether it will be okay or otherwise amputation might be considered,” ani Vega.

Nabatid na nakasakay ang magsasaka sa kabayo at nang bumaba siya ay biglang kinagat ng kabayo ang kanyang ari.

Samantala, kakakasal lang ng biktima at buntis ang kanyang misis sa kanilang panganay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.