Ari, Ikiniskis sa Likod ng Bebot; Kelot, Kalaboso

ARESTADO ANG isang lalaki matapos ikiskis ang kanyang ari sa puwet ng isang babaeng bumibili ng tinapay sa Caloocan City kamakailan.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness ang suspek na si Benjo Cajeda, 37, ng Isabel St., Antipolo City.

Ayon sa biktimang itinago sa pangalang Charry, 21, dakong 9 a.m. bibili siya ng tinapay malapit sa kanilang bahay sa Tahong Alley nang mula sa likuran ay sumulpot ang salarin at ikiniskis ang ari nito sa kanyang puwet.

Hindi agad nakasigaw ang biktima ngunit may nakakita sa nasabing pangyayari na siyang sumigaw sa salarin na mabilis  na tumakbo.

Samantala, ilang pulis na napadaan ang hiningan ng tulong ng bebot at saksi na naging dahilan upang habulin at dakpin ang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.