Ari-arian ni Amalilio sa Malaysia, Naka-Freeze

KASALUKUYANG NAKA-FREEZE na ang mga asset sa Malaysia ni Manuel Amalilio, ang itinuturong utak sa P12 billion pyramiding scam at pinuno ng Aman Futures Group.

Sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na ito’y resulta ng pakikipag-ugnayan nila sa Malaysian authorities na bumisita sa bansa.

“I confirm the reported freezing of Amalilio’s assets in Malaysia. Such development is one of the positive outcomes of the recent talks/engagement with Malaysian authorities,” ani de Lima.

Bukod sa pag-freeze sa mga asset, nagkasundo rin aniya ang Malaysian at Philippine government na ipa-extradite si Amalilio kahit hindi pa nito tapos bunuin ang hatol na dalawang taong pagkabilanggo dahil sa paggamit ng pekeng pasaporte.

Nagkasundo ang Malaysian at Philippine governments na magtulungan at bigyan ng pagkakataon ang Philippine National Police at Philippine prosecutors na magkaroon ng access kay Amalilio habang nakakulong, dagdag pa ni Del Lima.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.