Argumento nina Sen. Kiko at patigasan sa Caloocan

NAPAMULAGAT TAYO NANG mabasa sa isang broadsheet ang argumento ng tanggapan ni Sen. Kiko Pangilinan.

Ang estupidong argument, parekoy, ay isinulat ng Chief of Staff ni Sen. Pangilinan.

Tungkol ito sa isang panukala ng ilang senador na amyendahan na ang Juvenile Welfare Act kung saan si Sen. Pangilinan ang may akda.

Sa nasabing batas, ang isang menor de edad ay hindi maaaring kasuhan kahit gumawa ito ng anumang asunto o paglabag sa batas!

Masyado na itong naaabuso, parekoy, hindi lamang ng ilang menor de edad mismo, kundi maging ng mga sindikatong gumagamit ngayon ng mga bata sa kanilang operasyon!

Kaya nga, kung mapupuna natin, sari-saring krimen na ngayon ang kinasasangkutan o isinasagawa mismo ng mga kabataan.

Ang argument ng ilang senador, dapat ibalik ang dating batas kung saan maging ang menor de edad ay maaaring kasuhan… ‘yun nga lamang, kung maparusahan ay pagsisilbihan nila ang hatol kapag sila ay nasa hustong gulang na (suspended sentence).

Dahil sa kasalukuyang panahon ng “advanced technology”, ang kaalaman ng isang 12 anyos ay maihahalintulad na ng nasa edad 18.

Aba eh, ang sagot ba nitong Chief of Staff ni Sen. Kiko Pangilinan ay kung ganyang argumento raw, dapat eh, payagan na ring maka-boto ang 12 anyos!

Susmaryosep! Napaka-estupidong kasagutan ‘yan, sir!

Ang tinutukoy sa argumento ay ang antas ng pag-iisip o pang-unawa ng mga kabataan ngayon!

Sa pagboto naman, ang pinag-uusapan ay “age limit” at hindi mental capability!

Bwisit!

 

PATIGASAN NGA ANG labanan sa ilang establisimyento sa lungsod ng Caloocan.

Ang tinutukoy natin, parekoy, ay ang ilang ulit na nating isinusulat na garapalang “totnakan” sa loob ng isang massage parlor.

Kahit pasyalan ni Caloocan City Chief of Police S/Supt. Jude Santos ang Majestic sa McArthur Hi-way, malapit sa Monumento Circle, matutuklasan niya na hindi buong katawan ang ipinamamasahe ng mga “big time” na kliyente.

Bagkus ay ang katawan ni “pedro” ang pinipisil-pisil para ihanda sa matinding labanan.

Kaya nga nasabi kong patigasan ang labanan sa loob ng Majestic Massage na pag-aari ni Mr. Teng! Hek, hek, hek!

Ito pa ang isang club sa nasabing lugar na kalapit lamang ng una nating tinukoy.

Ang ST2, parekoy, na pag-aari naman ng nagpapakilalang CIDG na si Alex Caralde ay matindi rin ang patigasan.

Sa loob mismo ng VIP rooms nitong ST2 nahuli ng mga taga-NBI noong nakaraang buwan ang ilang kababaihan habang nakikipag-patigasan sa kanilang mga kostumer! He, he, he!

Ang ilan sa kanila ay mga menor de edad.

Pero dahil sa impluwensya at pera ni Caralde ay hindi masawata ang kanyang patigasan!

Talaga nga yatang super-tigas itong sina Mr. Teng at CIDG Alex Caralde!

Totoo ba, Col. Santos, na ang tigas nila ay inihahatid sa iyo tuwing Lunes ni Major Soriano?

 

Makinig sa aking programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: junbriones69@yahoo.com; call or text 09321688734.

 

 

 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.