Arestadong suspek, Nilunok ang 2 Sachet ng Shabu

NAKAHANDA ANG PNP Laoag na idaan sa eksaminasayon sa PNP crime laboratory ang arestadong suspek sa isinagawang drug buy bust operation sa Laoag City dahil sa

paglunok nito sa dalawang small sachet ng hinihinalang shabu upang walang makuhang ebidensiya sa kanya.

Kinilala ni SPO1 Fernando Tangonan ng investigation section ng PNP Laoag ang salarin na si Victor Padayao, residente ng Brgy. 6, Flores St., ng nasabing lungsod.

Sinabi ni SPO1 Tangonan na isinagawa nila ang operasyon kahapon laban kay Padayao matapos makatanggap ang PNP Laoag ng maraming impormasyon ukol sa iligal na aktibidad ng naturang suspek.

Nagpanggap ang isang asset ng PNP na bibili ng droga kay Padayao at dito na nahuli ang salarin.

Tinangka pa umano ni Padayao na tumakas ngunit na-korner din ng mga awtoridad.

Nakuha sa kanya ang isang sachet ng Shabu at marked money na P100 bill ngunit ang dalawang sachet ay agad na nalunok ni Padayao.

Samantala, nasa kustodiya na ng PNP Laoag ang suspek at inihahanda na upang idaan sa pagsusuri at mahanap ang nilunok na Sachet ng Shabu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.