Arci Muñoz, wala raw dapat ika-insecure kay Jasmine Curtis-Smith!

USAP-USAPAN NGAYON ANG diumano’y  sex video ng isang wholesome young actress na kumakalat through cellphone downloads. Kapareha raw ng young actress na ito ang kanyang ex-boyfriend na miyembro ng isang banda.

Shocking daw ang nasabing video dahil talagang parang isang porno star diumano ang dating ng young actress. Hindi mo raw aakalaing kakayanin niyang maging gano’n ka-wild sa sex dahil very sweet nga ang image niya.

Bukod dito, galing pa siya sa isang respetado at disenteng pamil-ya. So talagang ni sa panaginip ay hindi mo mai-imagine na may sex video ito.

‘Yong ex-boyfriend daw yata ng young actress na miyembro ng isang banda ang kumuha ng nasabing video. Kung paano ito kumalat at sino ang nagpakalat… kung talagang meron nga… ‘yan ang isang malaking tanong.

As of this writing, nagha-hanap pa kami ng kakilala naming may gano’ng sex video ng young actress. Hindi kami kaagad-agad maniniwala hangga’t hindi kami mismo ang makakapanood nito.

Kasabihan nga – to see is to believe!

 

NAGTATAKA SI ARCI Muñoz kung bakit may intrigang nai-insecure daw siya kay Jasmine Curtis. Kaagad nga niyang nilinaw ang tungkol dito nang magkita kami sa TV5.

“No, that’s not true,” tanggi ng aktres. “Jasmine has her own identity. And siyempre ako… meron din akong sarili. And kaming mga kasamahan niya sa TV5, nandito kami to support her.

“Bakit naman ako mai-insecure kay Jasmine? Sa anong reason? I’m happy for her whatever she is having. Or for whatever is going on her way. ‘Di ba? At saka okey kami ni Jasmine. We’re friends.”

Kung sa bagay, ano nga ba ang ikai-insecure ni Arci? Maganda naman ang pag-aalagang ginagawa ng Kapatid Network sa kanyang career. May bago nga siyang pinagbibidahang serye, ang Felina. 

Isa sa mga pangarap din ni Arci ang maging beauty queen. Tuloy pa ba ang plano niyang pagsali sa Bb. Pilipinas next year?

“’Yan ang hindi pa sigurado. Kasi ang daming opportunities na ibi-nibigay sa akin ngayon ng TV5. At saka nakakontrata ako with them.

“Complicated kung sasali ako kasi ang Bb. Pilipinas, they’re signed with ABS-CBN. And Ms. World-Philippines naman, sa GMA-7. So… kumplikado.

“Pero with TV5, wala silang problema. Kung sakaling talagang gusto ko raw, susuportahan nila ako. Kasi ano ‘yon, e… it’s gonna be another feather in my hat. If ever na manalo ako, ‘di ba?”

Marami nga ang nagsasabi, beauty queen material din siya. Puwedeng-puwedeng maging representative ng Pilipinas sa anumang international beauty contest.

“Ay… ganyan? Thank you!” nangi-ting sabi na lang ni Arci.

Bukod sa pag-arte, may isa pa raw siyang pinagkakaabalahan ngayon. Ito ay ang binuo niyang banda na Philia.

“Ang ibig sabihin ng Philia sa Latin o Greek… love. Nagri-record na kami ng mga kanta ngayon. Iri-release namin ito independently. ‘Yung tugtog namin… sobrang rock. Metal talaga. Ako lang ang girl sa grupo. Si Dion Ignacio, kabanda ko.  Siya ‘yong gitarista. Kaming dalawa lang ni Dion ang artista sa band namin.”

Ang lovelife niya, zero pa rin daw.

“Hindi ko pa rin muna priority sa ngayon ang lovelife!” nangiting sabi ni Arci. “Career muna. Masaya ako na sa trabaho muna ako naka-focus.”

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Arci Muñoz, wala raw dapat ika-insecure kay Jasmine Curtis-Smith!

  1. kalokohan mga imbentong kwento ng mga bobong baklang reporter, gagawa ng intriga na may sex video isang artista tapos sya din magsasabi na wala pa sya napapanuod, kung tutoong may ganun video edi sana lumabas na yung video sa internet bago pa naisulat tong kwento … mga bakla talaga salot ng lipunan

Leave a Reply

Your email address will not be published.