Arci Muñoz, Nag-back-out sa Miss World!

DUMALO KAMI sa final screening ng Miss World 2012 at nakita namin mismo kung gaano kadami ang mga dumagsang magagandang dilag mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nagulat din kami dahil isa sa mga familiar faces na aming nakita ay ang Felina Star na si Arci Muñoz. Hindi man kami nakapag-usap nang matagal, alam naming isa sa mga pangarap ni Arci ang maging beauty queen.

Pasok na sana si Arci sa top 25 contestants kaso may kontrata pa si Arci sa TV5 at dahil ang Miss World ay isang joint venture ng istasyon at nang CQGQ ni Miss Cory Quirino, pinapa-leave behind (leave behind daw oh) ang kanyang pangarap na maging beauty titlist sa mga susunod pang taon. Well, kaya ‘yan ni Arci, marami pang opportunities na darating.

 

NAKADALAW KAMI sa technical rehearsal ng pinakabagong lunch buffet pagdating sa gameshows, ang Game N’ Go ng TV5 noong nakaraang linggo at dito ay nakausap namin si Shalani Soledad-Romulo at inamin niyang pressured siya sa bagong hosting job.

Aniya, “Lahat sila mga beterano na pagdating sa hosting, so sana maka-level up tayo pagdating sa hosting.”

Nadatnan nga namin sa isang portion na magkasama sila ni Edu Manzano bilang hosts, ano kaya ang pakiramdam niyang isang Edu Manzano ang naka-side by side niya sa pagho-host? Sagot niya sa amin, “Siyempre ang galing ni Edu, alam mo pinapanood ko lang siya dati, ngayon kasama ko na siya. Nakakatuwa siya, kasi inaalalayan niya ako pagdating sa hosting.”

Pagdating naman sa pulitika, last term na ni Shalani bilang konsehal ng Valenzuela kaya magli-level up na siya ng posisyon. Congressional seat ang tatakbuhan ni Mrs. Romulo sa lugar nila. Handang-handa na raw siya sa panibagong challenge sa kanyang political career. If ever, sila na ba ang bagong gagawa ng history bilang first couple na magkasama sa lower house ng Kongreso?

Masaya ito dahil tiyak seatmate sila ng kanyang asawa, if papalaring mahalal bilang kongresista.

Sa Linggo na, June 17 ang premiere telecast ng Game ‘N Go sa TV5. Aba-ngan!!!

 

NAG-STORY CONFERENCE na noong Lunes ang cast ng bagong ‘fantaserye’ ng TV5 na Enchanted Garden, kung saan matutuloy na ang proyektong pagsasamahan nina Zoren Legaspi at BB Gandanghari. Hindi man kami nakadalo sa story con, pero napag-usapan na nina Zoren at BB ang naturang project after ng kanilang emosyonal na pagkikita two weeks ago para sa Paparazzi.

Kambal ang role ng dalawa dito, so walang ‘love interest’ na matatawag, dahil magkapatid ang kanilang role. Sino naman kaya ang makaka-love team ni BB dito? ‘Yan ang aabangan ng ating mga televiewers. Makakasama rin sa project sina Alex Gonzaga, Edgar Allan Guzman, Martin Escu-dero,     Alice    Dixson     at    Miss    Ruffa

Gutierrez.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Arci Muñoz, Nag-back-out sa Miss World!

Leave a Reply

Your email address will not be published.