Arci Muñoz is more attracted to girls than boys?

NAPAKA-OUTSPOKEN, CANDID AND frank ng young actress na si Arci Muñoz. Wala siya nung ‘artista-ako-showbizin-ko-ito attitude’ nang makausap namin sa last taping ng Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5 nu’ng Miyerkules. She is very at ease with the showbiz press. Kaya naman hindi na nangimi ang mga reporters na tanungin ang StarStruck alumna ng kung anu-ano.

Una na ay kung ano ang feeling niya ngayong patapos na ang TV series nila sa Kapatid Network?

Arci was quick to say na medyo disappointed siya sa naging takbo ng istorya ng Mga Nagbabagang Bulaklak. “Kasi, sa umpisa ang alam ko tungkol sa showbiz ito, pero later on dumami na ‘yung aksyon saka panay na ang iyakan namin. Saka hindi lang ako ang nakapansin nu’n, even my friends na nanonood nito, ‘yun din ang napansin nila,” paliwanag ng young actress.

But Arci has no qualm working with her co-stars. Very open din naman daw ang direktor nito na si Jon Red everytime na may suggestion siya about certain scenes kung paano mae-execute ito nang maganda.

Pero, ‘ika nga, you can never argue with success. Kung anuman ang naging changes sa TV series, ‘yun naman ay kinagat ng mga sumusubaybay rito, kaya naging top-rater din ng TV5 ang Mga Nagbabagang Bulaklak.

During our conversation with Arci, napansin namin ang mga boyish gestures niya. Pero agad namang diin nito, “Boyish lang po! Hindi ako tomboy, huh! Hahaha!” Paliwanag pa niya, “Eversince ganito na talaga ako. Mas enjoy ako sa mga adventure. ‘Yung mga panlalaking gawain. Tapos lalo pa itong lumabas nu’ng pumasok ako sa UP Diliman. ‘Di ba ang daming aktibista du’n? Pero hindi ako sumasama-sama sa rally-rally, huh! Hahaha!”

Arci took up Theater Arts, pero hindi niya ito natapos. Third year na siya nang talikuran ang pag-aaral and entered showbiz.

To test kung hindi talaga siya ‘tomboy’, we asked kung sino ang female showbiz crush niya. Natawa muna si Arci bago sumagot. “Si Iya Villania! Kasi kamukha ko siya! Hahaha! Saka si Iya kasi, sexy, maganda, at higit sa lahat may utak. Attracted kasi ako du’n sa may utak. Pero honestly, mas naa-appreciate ko ‘yung female body kesa sa male body. Pero gustung-gusto ko naman sa isang guy ‘yung may magandang abs!” biglang bawi ni Arci.

At kapag wala pala sa harap ng kamera ang young actress, she fronts a metal group called ‘Philia’. “Ako lang ang female member du’n. We are four in the band, ako ang vocalist. May gagawin kaming EP. Pero ‘di ko pa sure kung kelan kami magsisimula to record,” pahayag ni Arci.

Ngayong linggo ang final week ng Mga Nagbabagang Bulaklak. At sabi nga ng PR ng TV5, ‘each scene flares up with explosive revelations and surprising twists up until the every last moment of its final episode.’

 

BLIND ITEM: NAISPATAN ng isang fan ang singer-actor na ito sa isang shopping mall. Agad siyang nagpapiktyur sa ating bida. Simple lang ang get-up ng singer-actor – white T-shirt and jeans, pero mukhang kagagaling lang sa isang event.

Pumuwesto ang dalawa habang naghihintay ng click ng digicam. Super dikit ang fan at inakbayan naman siya ng singer-actor. Bahagyang napangiwi ang fan, pero hindi niya ito pinahalata. Nang makalayo na ang singer-actor, ibinuking na ng fan ang nadiskubre niya sa iniidolo.

May ‘putok’ ang singer-actor at nalanghap niya ito! “Kumpirmado na may amoy siya. Akala ko, tsismis lang. Totoo pala!” ang sey pa ng fan ng singer-actor.

 

Bore Me
by Erik Borromeo

loading...

2 thoughts on “Arci Muñoz is more attracted to girls than boys?

  1. ganda ng nagbabagang bulaklak at tsaka ang gagaling nila pati iyong baguhang si ritz azul congratz sa inyong lahat…

Leave a Reply

Your email address will not be published.