Arci Muñoz: Bagong Kahuhumalingan sa Primetime!

sDREAM. BELIEVE. SURVIVE. ‘Yan ang katagang tuma-tak sa mga tagahanga ng limang batch ng Starstruck, ang reality-based artista search ng Siyete. Dito nakilala ang ilan sa mga sikat at nagseseksihang artista natin ngayon tulad nina Jennylyn Mercado, Megan Young, Jackie Rice, Iwa Moto at Cristine Reyes. Ang iba man sa kanila ay hindi na certified Kapuso, nagniningning pa rin ang kani-kanilang bituin sa pinaglilingkurang istasyon.

Si Arci Muñoz ang isa sa bagong Prinsesa ng TV5 ka-hanay nina Alex Gonzaga, Jasmine Curtis, Eula Caballero, Danita Paner at Ritz Azul. Kung dati ay sa kontrabida roles napapadpad ang dalaga, ngayon ay bidang-bida na ito sa ‘Mga Nagbabagang Bulaklak’, ang ikalawang higanteng teleserye ng TV5.

Napanood namin ang trailer ng bagong sexy-drama show na talaga namang nagbabaga. Si Arci Muñoz ang gaganap sa papel na Dahlia, isang simpleng probinsyana na nangangarap na maging sikat na dancer. Determinado itong makamit ang kanyang minimithing pangarap kahit pa ang ibig sabihin nito ay kailangan niyang kalabanin ang sariling kapatid. Maganda ang konsepto ng nasabing palabas. Dito din mapapanood ang tunay na kalakaran ng showbiz.

Sa kanyang mga interviews, halatang masayang-masaya si Arci sa importansyang ibinibigay sa kanya ngayon ng TV5. Sa Starstruck days pa lang niya ay kapansin-pansin na ang determinasyon nito sa kanyang mga showbiz commitments. Matagal-tagal man ang hinintay niya, masasabi nating sa wakas ay nabigyan na rin siya ng lead role. Masuwerte rin si Arci dahil hindi lahat ng artista ngayon ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.

Mag-uumpisa na ngayong gabi ang ‘Mga Nagbabagang Bulaklak’ sa primetime slot ng TV5. Ito na kaya ang hudyat ng pagsikat ni Arci Muñoz? Ano sa tingin ninyo, mga kapatid?

For questions, comments and suggestions, please email us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our online hub at http://www.pinoyfansclub.com

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

About the Author

has written 54 stories on this site.

loading...

One thought on “Arci Muñoz: Bagong Kahuhumalingan sa Primetime!

  1. pang kontrabida lang naman si arci muños eh, mas pang bida material pa si ritz azul ….balik na lang sa pagkokontrabida tong si arci noh

Leave a Reply

Your email address will not be published.