ARCI MUÑOZ, AYAW MAKASAMA SI RITZ AZUL?!

HINDI NANINIWALA ANG Star factor runner-up at ngayon ay bida na sa aabangang ikalawang primetime soap ng TV5 na Nagbabagang Bulaklak na si Ritz Azul, along with Arci Muñoz, na muntik nang hindi tanggapin ni Arci ang nasabing proyekto dahil sa dalawa silang bida.

Tsika ni Ritz, hindi raw siya naniniwala sa tsismis dahil sa sobrang bait sa kanya ni Arci. Ito pa nga raw ang nagtuturo sa kanya kapag may eksena silang dalawa. At kahit daw ang pagiging ma-PR sa press at sa mga tao sa industriya ay tinuturuan siya ni Arci.

Ni walang aberyang nangyari sa taping nila dahil sobrang supportive daw si Arci sa kanya, kaya naman saludo ito at sobrang taas ng tingin sa co-star. At bukod sa mabait, tunay daw na magaling umarte ito.

Aminado si Ritz na marami pa siyang kakaining bigas bago maabot ang husay sa pag-arte ni Arci na itinuturing niyang ate sa industriya.

BLIND ITEM: NAKAKATAWA talaga ang kampo ng bansutin at di-kaguwapuhang young actor na ito. Ipinagmalaki pa ng kampo nito na wala raw katotohanan na ipinatsugi nito sa isang regional show at isang afternoon soap ang kapwa niya young actor.

Ang tsika raw ng kampo ng insekyuradong young actor, kapag nandoon ‘yung isang young actor ay sila ang aalis at hindi sasama sa show. Na walang pinagkaiba sa salitang tanggalin n’yo siya o ako ang aalis, ‘di ba?

Hindi kaya inisip ng kampo nito na walang pinagkaiba sa gusto nilang ipatanggal ang young actor sa gusto nilang mangyari? Baligtarin man ‘yun pa rin naman ang suma-total: ang matsugi sa show ang kapwa young actor nito!

ANG  BILIS TALAGA ng panahon. Pagkatapos  naming ibalita na nakabili na ng sasakyang Toyota Innova at ng lupa’t bahay ang in-demand na host/comedian at isa sa aming maituturing na totoong kaibigan na si Shalala, blessing na ngayong Friday ang nabili nitong house and lot.

Bonggang-bongga daw ang  mala-mansiong bahay ni Shalala na matatagpuan sa Quezon City . At ang nakakaloka sa house na ito, bago lahat ang muwebles at kasangkapan! Gusto raw kasi nito na bago ang lahat ng kanyang makikita para raw magaang ang pasok sa kanya ng suwerte.

Invited ni Shalala sa blessings ng kanyang bahay ang kanyang malalapit na showbiz at non-showbiz friends, siyempre!

DAHIL GUSTO NA raw ng kalimutan ni Arnell Ignacio ang pagkaka-link sa Jap-Pinoy model /actor na si Suzuki Sadatsugo, ginagawa na lang daw nitong busy ang kanyang sarili. Kaya naman araw-araw daw ay may mga activities na ginagawa si Arnell like this coming March 12 and 13 ay may Wedding Expo ito sa SMX Convention Center . Kung saan irarampa nito sa nasabing event ang kanyang mga expensive Bignelli Cars like Limousine, Porche GT3, atbp.

Bukod pa sa pag-punta ni Arnell sa iba`t ibang bansa para mag-abroad at magbakasyon na rin. Marahil ito raw ang mabilis na paraan para makalimutan niya ng lubusan

si Suzuki.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “ARCI MUÑOZ, AYAW MAKASAMA SI RITZ AZUL?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.