Architect, Inatake ng Pating, Patay

HINDI PA rin makapaniwala ang pamilya ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na kinilalang si Archetict Fernando Licay na bangkay na itong dumating sa kanilang pamamahay sa Brgy. Patag Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos atakihin ng pating habang naliligo kasama ang mga ka-trabaho sa isang lagoon ng Diego Garcia sa Califonia, Estados Unidos noong Hulyo 14 nitong taon.

Ayon kay Felipe Licay,  mahirap pa sa kanilang matanggap na nawala na sa kanilang piling ang anak na si Fernando dahil sa sinapit nito sa lugar na kanyang pinagtatrabahuan.

Sinabi pa ni Ginoong Licay na mag-aanim na taon pa lamang ang kanyang anak sa trabaho bilang machine operator sa isang kumpanya sa naturang bansa.

Inihayag rin ni Licay na nanlaban pa umano ang kanyang anak nang una itong nakagat sa kanyang kanang kamay subalit sa pangalawang atake nito ay hindi na nakaligtas nang makagat ang paa nito sanhi para maubusan ng dugo.

Agad pa itong dinala sa ospital subalit nabigo na ang mga manggagamot sa pagsalba sa kanyang buhay.

Labis naman ang  panghihinayang ang naramdaman ng pamilya, kaanak at mga kaibigan ng biktima dahil sa sinapit nito.

Si Licay ay nakatakda sanang uuwi sa Pilipinas sa Disyembre nitong taon upang dadalo sana ng kanilang high school reunion.

Sa ngayon, nakatakdang ilibing ang labi ni Lica sa darating na Lunes sa isang pribadong punerarya nitong lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.