Archie Alemania at Gee Canlas, nabuking ang relasyon sa Hong Kong!

ILANG MEMBERS NG entertainment press ang nagbakasyon sa Hong Kong recently, and who should they see?

May bago palang magkarelasyon sa showbiz circle at wala tayong kaalam-alam. At sa pag-aakala nilang maitatago pa nila ito nang mas mahabang panahon eh, siyang ikinagulat din nina Archie Alemania at ng napapanood sa Music Up Late na si Gee Canlas, ang babaeng ang bilis-bilis magsalita.

Alam na natin na si Archie eh, ex ng mahusay ding host at manaka-nakang nag-aartista na si Mickey Ferriols kung saan may anak si Archie. Si Gee naman eh, ngayon pa lang mali-link kung saka-sakali. At hindi na nga kailangang mai-link dahil buking na diumano ang love affair nila na sa Hong Kong sana nila planong i-enjoy kaso, may mga nakabuking!

 

SA GET-TOGETHER AT parang blow-out na rin ni Toni Gonzaga sa members ng press na ‘di nakapanood ng kanyang 10th year anniversary concert sa SMART-Araneta last Friday, ang tanong nga sa kanya eh, kung ano ang pakiramdam niya at ngayon eh, siya na ang binibigyan ng titulong Concert Queen.

Kasi nga, base na rin sa mga pictures na nakunan sa nasabing venue, punum-puno naman talaga ang nasabing concert ng multi-media artist. At ang tanong din eh, kung may kasunod na ba ito.

Pero ayon kay Toni, “Salamat po kung sa tingin nila eh, ganon na ang dating ko pero ang alam ko, marami pa rin akong dapat na patunayan when it comes to my being a singer and a performer is concerned. Kung kelan ang kasunod, hindi ko pa muna iniisip dahil papasok na ako sa trabaho ko with PBB (Pinoy Big Brother). Kaya ‘yung movie rin, ma-lamang na after na ng PBB stint ko. Ang alam ko lang at naririnig eh, ‘yun na ang project na pagsasamahan namin ni  Piolo  (Pascual) na ilang beses nang naudlot.”

Hindi pala biro ang tensyong inabot ni Toni sa nasabing concert. At salamat naman daw sa suporta ng kapatid niyang si Alex sa kanya.

“Kasi, halos gabi-gabi, tinatanong ko siya kung ano ang palagay niya. Kasi nga kinakabahan ako. Sabi ba naman nu’ng una, nung tinanong ko kung mapupuno kaya ang Araneta, hindi! Eh, ‘di lalo naman akong na-pressure. Nakakaloka talaga ‘yun. Pero habang papalapit na, siya ‘yung saksakan ng ingay sa pagsasabi sa akin na ganitong per cent na lang. At nu’ng huli, ayun na, biru-biro na. Hindi na raw pupunta rito si Beyonce para mag-show dahil na-insecure na raw ang publicist nito sa tinamo ng 10th anniversary concert ko.”

Actually, marami ang natuwa sa kanila ni Alex sa mga pinaggagawa nila sa entablado during the concert. Kaya nga ang sabi namin, sila pala ang p’wede namang itapat sa Kardashians sa isang family-reality show. Tipong what you see is what you get! Ang dami kasing kuwento ni Toni, pati na ni Mommy Pinty sa relasyon nilang mag-ate ni Alex. Nakakawindang!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

6 thoughts on “Archie Alemania at Gee Canlas, nabuking ang relasyon sa Hong Kong!

  1. MAY MGA GUESTS NGA NILANGAW NA WHAT MORE KUNG WALA? DO YOU HONESTLY THINK PEOPLE WILL BUY TICKETS TO SEE DOKLESA SING?………BELTER NA NGONGO…….HAHAHAHAHA………….

  2. paanong di mapupuno ikaw ba naman magka guest na bigatin  like gary v.,piolo,john loyd..subukan kaya nya na 3 lang guest at mga baguhan pa.my manonood kaya.opinion lang po..

  3. Napanood ko sa Utube angconcert. Sumakit talaga ang tiyan ko sa katatawa. Ang galing galing nila at lahat ng mga guests. Galing. Congratulations Toni !

Leave a Reply

Your email address will not be published.