Archbishop Villegas, bagong pangulo ng CBCP

PORMAL NANG sinimulan kahapon ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang pag-upo bilang bagong pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sa ginanap na plenary assembly ng CBCP sa Pius XII Center noong Hulyo, hinirang si Villegas bilang kahalili ni Cebu Archbishop Jose Palma, matapos umanong tumanggi ang huli na mare-elect.

Ang nasabing arsobispo ng Lingayen-Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan ay nagsilbi noon bilang personal secretary ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin at rector o tagapamahala ng EDSA Shrine at Vicar General ng archdiocese.

Taong 1985 nang maordinahan si Villegas bilang ganap na pari at noong July 25, 2011 nang mahirang siya bilang auxiliary bishop ng Maynila ni dating Pope John Paul II.

Samantala, bago pa man nagsilbi bilang arsobispo, nagsilbi muna ang arsobispo bilang obispo ng Balanga noong 2004, kung saan itinatag nito ang St. Joseph’s College of Balanga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.