Archbishop Cruz, ginagamit ng gambling lords?

MAUGONG ANG MGA balitang posibleng ginagamit si retired Archbishop Oscar Cruz ng mga gambling lords para mapalawak pa ang kanilang illegal Jai-Alai at Jueteng, gayung kilalang-kilala si Cruz bilang numero unong anti-illegal gambling crusader sa bansa.

Ayon sa mga tagamasid, ang krusada ni Cruz ay nakatuon lamang sa Jueteng at sa kanyang pambabatikos sa small-town lottery (STL). Subalit hindi umano niya binabatikos ang illegal na Jueteng na pinatatakbo ng mga kilalang gambling lords.  Ayon pa sa kanila, kalimitang maraming inosenteng tao ang walang pakundangang sinasangkot ng Obispo sa kanyang magiting na krusada.

May hinala rin ang mga ta-gamasid na ang ang mga tao sa likod ng iligal na Jueteng ang sumusuporta umano sa Obispo para sirain ang legal na STL.

Lumabas ang mga umuugong na balita sa gitna ng isang public service survey ng isang radio monitoring group na nag-uulat na ang krusada ni Cruz sa mga iligal na sugal ay wala nang kredibilidad at sinseridad. Dalawa sa sampung respondents ang nagpahayag ng ganitong opinyon. Ang survey ay isinagawa nu’ng isang linggo sa Metro Manila at Calabarzon area, at 1,200 respondents ang tinanong.

Ayon sa survey: “Maganda ang layunin ng Obispo at dapat suportahan. Ngunit ang krusada ay walang consistency at ang mga impormasyong kalimitang sinisiwalat niya ay mali.”

Sinabi pa sa survey na “nabahiran ng pulitika ang krusada ni Cruz. Politicized na siya. Lahat ng isyu ay kanyang sinasawsawan, kasama rito ang personal na buhay ni Pa-ngulong Noynoy.”

Dugtong pa ng ilang respondents sa survey: “Maraming nagtataka kung bakit involved ang Obispo sa anti-gambling.  Bilang isang alagad ng Diyos, ‘di ba ang una niyang katungkulan ay magpalaganap ng pananampalataya at magligtas ng kaluluwa? Bakit siya nakikisawsaw sa Jueteng? Kapansin-pansin din ang kanyang addiction sa publi-city.”

Matatandaan na noong 2008 at maski nitong nakaraang taon, na-ging laman ng media ang isyu ng Jueteng. Pinatawag si Arch. Cruz at iba pang whistleblowers sa Senado upang magbigay ng kanilang expose, ngunit walang kongkretong resulta na nakuha mula sa mga ito, hanggang sa malimutang muli ang isyu.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.