Arch. Cruz, ‘di na umaasang parurusahan ni P-Noy si Pagcor chair Naguiat

HINDI NA umano umaasa si retired Archbishop Oscar Cruz na parurusahan ng Malacañang si Cristino Naguiat, Jr., chair ng Pagcor, tulad umano ng ginawa ng Palasyo sa iba pang nagkakamaling opisyal na malapit kay Pangulong Benigno Aquino.

Matatandaang nasangkot ang pangalan ni Naguiat sa isang US lawsuit kung saan isa sa inaakusahan ang Pagcor executive na umano’y tumanggap ng $110,000 halaga ng hotel accomodation at ‘illegal payments’ mula kay Kazuo Okada, isang Japanese gambling magnate na nagpaplanong magtayo ng $2-B casino sa Pilipinas.

Sinabi ni Cruz na makaliligtas sa anumang parusa si Naguiat, tulad ng iba pang opisyal na nagkakasala na kasama sa umano’y mga paborito ni P-Noy o ang kanyang mga ‘kaibigan, kaklase at kabarilan’.

“I am already expecting that because it’s not only Naguiat whom they are supposed to be investigating. They also ‘investigated’ this DVD pirate buyer and super gun carrier but nothing happened,” pahayag ni Cruz sa Radio Veritas kahapon.

Tinutukoy ng retiradong arsobispo ang political adviser ni P-Noy na si Ronald Llamas na kailan lang ay nakuhanan ng litrato na bumibili ng pirated DVD sa isang mall sa Quezon City.

Nauna nang maging mainit sa media si Llamas noong nakaraang taon, matapos na ang kanyang sasakyan na gamit ng kanyang security aides ay masangkot  sa isang aksidente sa Commonwealth Avenue, at makitaan ng Czech-made CZ-858 Tactical semiautomatic assault rifle habang nagkakaroon ng imbestigasyon ang pulisya.

“Now, they are investigating Naguiat and I think nothing’s going to happen there unless he himself would resign out of ‘delicadeza’ (propriety),” ani Cruz, na nanawagan kay Naguiat na magbitiw na sa puwesto noong nakaraang linggo.

Si Naguiat ay kaibigan ni P-Noy. Magkaklase sila noon sa Ateneo de Manila University. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.