Araw ng Puso, ika-17 Anibersaryo ng PhilHealth; 600 Nurse, Kailangan

“SA PHILHEALTH, pinalawak na benepisyo… garantisado!”

Ito ang bagong tagline ngayong buwan ng National Health Insurance Program (NHIP).

“We are calling on our corporate partners to join us in the observance of February as National Health Insurance Program Month,” ayon kay Dr. Eduardo P. Banzon President at CEO ng PhilHealth.

Kalusugan ay mahalaga kaya naman sa inobasyon ng PhilHealth para sa kapakanan ng mamayan na nakatitiyak sa kalidad sa serbisyong medikal na naglalayon sa pangarap ng bawat Pilipino sa universal health.

Samantala, nangangailangan ng 600 registered nurse ang PhilHealth para sa mga ospital na pag-aari ng gobyerno sa buong bansa.

Ang proyektong PhilHealth CARES (PhilHealth Customer Assistance, Relations and Empowernment Staff) ay magtuturo sa mga nurse upang mabawasan ang mga problemang kinahaharap sa pagkuha ng benepisyo ng mga miyembro nito sa mga dokumentong pinoproseso ng mga ospital at mababawasan ang ‘return to hospital’ claims at madali nang makakukuha ng claims.

Sa mga interesadong appikante, maaaring mag-email ng kanilang resume sa hrmdd.admin@philhealth.gov.ph at ang subject na kanilang ilalagay ay PhilHealth CARES Application na may deadline sa February 5, 2012.

Ayon kay Dr. Banzon, “We value partnership. The main reason why we are innovating our ways is to be more responsive to the needs of our members and partners.”

(MJ BALAGUER)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.