ARAW NG EDSA, WALANG PASOK

PORMAL NANG IDINEKLARA ng Department of Education (DepEd) na walang pasok sa mga pampublikong elementary at high school sa buong bansa sa darating na Pebrero 25, araw ng paggunita ng ika-25 taong a-nibersaryo ng EDSA People Power 1.

Sinabi ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro na layunin ng kagawaran na iparating sa mga bagong sibol na kabataan ang kahalagahan ng makasaysayang “EDSA Revolution”.

Ayon pa sa DepEd, magkakasamang gugunitain ng sambayanan ang pagbabalik ng demokrasya sa bansa nang mapuwersang umalis sa puwesto si dating Pa-ngulong Ferdinand Marcos noong Pebrero 25, 1986.

Sama-samang nagtungo sa EDSA ang sambaya-nan, mula sa mga opisyal ng gobyerno, simbahan, negosyante at maging ang mga simpleng manggagawa at ginang ng tahanan, upang pababain sa trono si Marcos.

Kasabay nito, katuwang ng DepEd ang Ninoy at Cory Aquino Foundation, sa pagsasagawa ng grupong iamninoy at iamcory, ng EDSA run ngayong Pebrero 27.

Layunin ng EDSA run na makalikom ng pondo para makapagpatayo ng gusaling pampaaralan upang ma-ibsan, kung hindi man maresolba, ang kakulangan sa silid-aralan.  (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.