Arabo, naisahan ng 2 GRO

DUMULOG SA tanggapan ng pulisya ang isang Arabo kasama ang isang caretaker matapos umanong tangayin ng dalawang guest relations officer (GRO) ang kanyang pera habang naka-check-in sa White Castle Resort sa Lian, Batangas.

Base sa report ni SPO1 Pedro De Torres, lumalabas sa reklamo ni Abdulmajeed Alfalah Abdullah, 66, ay pinaghahanap na ang sinasabing mga salarin na sina Judith Ababon, 35; at Dorothia Omigan, 37, kapwa GRO sa RMJ Videoke Bar sa Nasugbu.

Bandang alas-2:00 ng umaga noong Oktubre 2 nang madiskubre ng dayuhan na iniwan siya ni Ababon sa kanyang silid at nawawala naumano ang kanyang pera na nasa isang plastic bag.

Samantala, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.