Ara Mina, wala raw panahon kay Manny Pacquiao! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! HABANG nakatutok ang sambayanang Pilipino sa laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, tila bumaba ang ratings ng krimen at kung anik-anik pa. Pati trapik sa Metro Manila, nabawasan din. Bonggacious, ha?!

Pero habang super-busy ang lahat sa panonood ng laban, tila busy rin ang beauty ko sa aking programa sa radyo at mismong aking na-interview ang matagal nang nali-link sa People’s Champ na si Ara Mina. Muling klinaro ng magandang aktres ana hindi totoo ang mga naglalabasang chikka na ibinabato sa kanya. Na kesyo sinugod niya ang isa ring babaeng iniuugnay sa People’s Champ na si Krista Ranillo.

Sabi ni Ara, “Tita Swarding, please… tigilan na nila ako. Pilit nila akong sinisiraan na wala namang katotohanan. Bakit ko susugurin si Krista, eh hindi nga kami nagkikita. Kaya pakiusap ko sa mga makakati ang dila na kung puwede, tigilan na nila ako na iugnay kay Manny Pacquiao.”

Ipinaliwanag pa ni Aara na hindi raw siya pumunta sa Las Vegas para panoorin ang laba ni Manny. Dagdag pa ng aktres, “Tita, nandito ako sa Manila, sa bahay, at wala ako sa Las Vegas. Nakakahiya sa boyfriend ko na palagi na lang akong inili-linki kay Pacquiao at kung puwede, tantanan na nila ako. At Tita, hindi ako nanood kahit sa telebisyon ng laban ni Manny. Isa pa, wala akong TV sa kuwarto ko at natutulog ako. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari.”

Ipinaliwanag din ni Ara ang tungkol sa hindi nila pagkakasundo ng kapatid na si Cristine Reyes. “Tita Swarding, para sa kaalaman ng lahat, okay kami ni Cristine, ng kapatid ko, at dito siya nakatira sa akin ngayon.”

‘Yan nga ang mga sagot ni Ara Mina sa aking programa tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanya ngayon. At salamat din sa pagbati mo Ara, sa aking birthday! ‘Yun na!

DITO AKO NALURKEY sa muling pagbira ng kontrobersyal na si Madam Auring. Dahil super galit na galit daw ito sa ina ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionesia. Naku, ha?! Sa kanya daw kasi umano dapat ang komersyal ngayon ni Mommy D na kasama si Pooh-kyaw.

Ngunit sa pag-eksena ni Mommy D, at palaging paglabas-labas sa telebisyon, ayun ang lola mo pinalitan si Madam Auring. Hindi lang ‘yan, may gagawin pa raw na panibagong commercial ang hitad na manghuhula kahit nakapirma na ito, ngunit tinawagan na lang daw siya na hindi na matutuloy dahil hindi raw swak sa kanya ang commercial. Ibinigay nga raw ulit kay Mommy D.

Kaya nang tumawag ang beteranang manghuhula sa akin na kasama ang kanyang abugado, magsasampa raw ito ng kaso, at pati na rin daw ang ina ni Manny Pacquiao, sasampahan din niya.

Ang ikinaloka ng beauty ko ay kung ano ang isasampa niya. ‘Yun daw ang piang-aaralan ng kanyang abugado ngayon. Dahil mula raw nang sumulpot si Mommy D sa industriya, nawalan daw ng career ang hitad, at ang commercial na dapat daw ay sa kanya, napunta raw sa ina ni Manny. Pati rin daw ang company na kumuha sa kanya at hindi itinuloy, sasampahan din ng kaso ng manghuhula.

Kaya ang bahay ni Madam Auring sa isang exclusive na subdivision sa QC ay ibinebenta niya upang sampahan lang ng kaso ang ina ng People’s Champ. Ang nakakaloka ngayon, mula nang sumlpot si Mommy D, tila nagtitiyaga na lang si Madam Auring sa ilalim ng LRT. Naku, ha?! ‘Yun na!

MULING NAGISING ANG aking ulirat sa isang texter (639226136223) na hindi man lang inilagay ang kanyang pangalan sa kanyang mensahe sa text. Ang sabi: “bakit po araw araw nalang wiliie revillame ang ini intriga ni tita swarding?”

Hoy, kung sino ka man, isa lang ang aking paliwanag diyan. Hindi ko po iniintriga ang mayabang na TV host na iyan. Wala akong galit sa kanya, pero dito n’yo lang malalaman kung bakit ganu’n nalang.

Wala akong ginawang masama kay Willie, ngunit siya ang may ginawa na hindi ko malilimutan at masyadong personal iyon. Kaya kung ano ang balitang nakarating sa akin, ay totoo ko pong sinasabi at isinusulat dito sa kolum ko, o sa aking programa. Sinasabi ko lang ang totoo at walang kasinungalingan ‘yan.

Kaya ni minsan, hindi ako bumilib sa mayabang na TV host na ‘yan. Personal akong pinitik ni Willie na hindi ko malilimutan kailanman. Wala po akong galit sa kanya pero sinasabi ko lang ang totoo. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Ara Mina, wala raw panahon kay Manny Pacquiao! – Tita Swarding

  1. swarding, everybody knows how arrogant willie is, but you just contradicted yourself. You just said that you’re not mad at him but how come you’re always badmouthing him? sana wag mo na lang sabihin na hindi ka galit sa kanya dahil lumalabas na ipokrita ka, un lang.

  2. PINITIK NMN PLA KC N PAPI WEYLE C TITA SWADZ NG PGK=PERSONAL. ANLAKI AT ANTIGAS P NMN MGA DALIRI N PAPI,, SAKIT KYA NUN…SNA PITIKIN ULIT CYA NI PAPI PERO UNG NAG-IISANG DALIRI N WLANG KUKO ANG GAMITIN. AY HEHEHIIHIII… SARRAAAAAPPPPP KAHIT MEDYO MASAKIT ANG PAGPITIK GAMIT ANG PIPIT… HOPE U LIKE THE IDEA TITA SWARDSZZZ…

  3. Madam auring baket di mo nahulaan ang kamalasan mo? Haha
    at ikaw swarding bading gusto mo lang sumikat kaya nakikisakay ka sa popularidad ni willie. Aminin..

Leave a Reply

Your email address will not be published.