Ara Mina, unhappy with Polo Ravales

WALA TALAGANG PAG-ASANG magkagusto si Sarah Geronimo kay Mark Bautista dahil hanggang ngayon, kapatid pa rin ang turing nito sa binata. Hindi man lang kinilig si Sarah sa sinabi raw ni Mark na nakahanda siyang maghintay hanggang magbago ang isip niya.

Natawa ang press dahil nang interbyuhin si Sarah tungkol kay Mark sa presscon ng You Changed My Life dahil nadulas ito at tinawag na namang “kuya” ang binata. Paano ka mai-in love kung kapatid ang tingin mo sa lalaki, kesehodang namumutok ang muscles ni Mark ha!
Samantala, ayaw sana nina Sarah at John Lloyd Cruz na ma-focus sa kissing scene nila sa Star Cinema movie ang tanong ng press para hindi rin du’n ma-focus ang attention ng tao na manonood, pero no choice sila dahil ‘yun ang itinanong ng mga reporter sa presscon.

Hindi pa rin sila napilit mag-spoiler kung may kissing scene sila basta abangan na lang daw sa showing ng movie simula February 25. Ang napanood sa trailer ay ang paghalik ni John Lloyd sa braso at balikat ni Sarah na para sa dalaga’y kissing scene na rin.

THIS FRIDAY NA magtatapos ang Gagambino ni Dennis Trillo at habang wala pang primetime show, sa S.O.P. muna siya mapapanood at maggi-guest din siya sa Bubble Gang. Safe na sigurong sabihing mag-i-end ang series na walang kapareha ang actor dahil parehong namatay sina Lucy (Katrina Halili) at Celine (Nadine Samonte).

As of this day, hindi pa tiyak si Dennis kung itutuloy pa ng GMA 7 ang Muling Buksan ang Puso o papalitan ng ibang project. Hindi tinanggap ni Heart Evangelista ang project dahil sa role. Bawal sa kanya bilang endorser na gumanap na nanay at magkakaanak. Hindi nawawalan ng pag-asa si Dennis na magkakatambal pa rin sila ng actress.

Ang ikinatutuwa lang ni Dennis sa pagwawakas ng Gagambino, magkakaroon siya ng more time for Calix. Madadalaw na niya ng madalas ang anak at makapagba-bonding silang mag-ama hang hindi siya busy.

NAGSISIMULA NANG MAINTRIGA ang love life ni Ara Mina nang masulat ang identity ng kanyang Fil-Chinese boyfriend. Mayamang ang angkang pinanggalingan ni Raymond Ilusorio-Yap na may-ari lang naman ng Manila Hotel at sangkatutak na negosyo.

Sabi ng isang close kay Ara, masaya ito sa piling ng BF at ngayon lang uli ito sumaya after Jomari Yllana. Ibig sabihin, hindi siya naging masaya noong sila pa ni Polo Ravales?

Hindi nausisa si Ara sa boyfriend sa presscon ng Totoy Bato dahil hindi siya dumating, hopefully, dumalo na siya sa presscon ng Dapat Ka Bang Mahalin para matanong ng ilang bagay sa kanyang rich boyfriend. May kissing scene si Ara kay Aljur Abrenica sa Dapat…, at hindi naman siguro pagseselosan ng kanyang nobyo.

BEST FRIENDS PALA sina Alessandra de Rossi at Survivor Philippines season one castway Kiko Austria at “lalaking Kiko” ang tawag ng huli sa actress. BLLFL o Baby Love Love For Life ang tawagan nila at kahit may karelasyon ang isa sa kanila, hindi sila mapipigilang maging close.

Laki nang panghihinayang ni Kiko na kung kailan siya nasa GMA 7, saka naman lumipat sa ABS-CBN si Alex, pero suportado nila ang isa’t isa. Alam ni Kiko na matutuwa si Alex sa kanya dahil may regular show na siya sa Ch. 7. Siya ang papalit kay Romy Garduce na co-host ni Doc Ferds Recio sa Born To Be Wild.

Sa Cagayan Valley ang taping ng pilot episode na regular host na si Kiko, pero nang makausap namin, wala pa siyang ideya kung ano ang gagawin, pero ready siya sa ipagagawa sa kanya, gaano man kahirap. Honored siyang mapiling ipalit kay Romy and at the same time, pressured si Kiko na pagbutihin ang trabaho para hindi magsisi ang pumili sa kanya.
Mere or Less
by Nitz Miralles

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.