Ara Mina, umiwas kay Manny Pacquiao – Ara Mina

HAPPY RIN SI Ogie sa kanyang kaarawan nu’ng Huwebes dahil

dumating ang mga close friends nitong inside and outside of showbiz.

Dumating pa si Manny Pacquiao na idol ni Ogie kaya kumpleto na raw ang birthday nito.

Patapos na nga ang party nang dumating si Manny, pero muntik na pala silang magtagpo doon ni Ara Mina.

Nang dumating si Manny, biglang umalis na raw si Ara at hindi na hinintay na magtagpo silang dalawa.

Hinabol pa nga ito ng mga reporters dun para interbyuhin pero hindi  na siya nagsalita. “I’m happy with my life,” yun lang daw ang sagot nito.

Halos kasabay pala ni Ogie ng birthday ang isang anak niya na si Sara.

Kinukulit na nga raw siya ng mga bagets na dalawin sila sa Australia pero sobrang busy naman nito kaya sa November na raw sila pupunta roon kasama si Regine Velasquez.

Say ni Regine, mga two weeks lang daw sila doon dahil matagal na raw hindi nakikita ni Ogie ang mga anak niya. Pero ang isang purpose pala nang pagpunta nila roon ay dumalo sa kasal ni Michelle at ng Australyanong boyfriend nitong si Mark Murrow.

Nung una nga ayaw pang sabihin ni Ogie ang tungkol sa kasal ni Michelle pero nang tinanong si Regine, inamin naman nitong dadalo nga sila sa kasal nito.

Kakanta pa nga sila roon para magbigay suporta sa kasal ni Michelle.

Parang ang ganda naman nilang tingnan na nang close silang lahat at in fairness, nanatiling parents pa rin sina Ogie at Michelle sa dalawa nilang anak.

Pagdating naman kina Ogie at Regine, ganu’n pa rin ang sagot nila tungkol sa kasal nilang dalawa dahil wala pa talaga at wala pa silang masasabi tungkol diyan.

“It’s all in God’s time. Sabi nga, happiness is a choice, suffering is an option so we all chose to be happy.

“Siyempre, ‘yan ang hiniling natin sa Panginoon ang He always grants request. Lahat naman gusto nating gawing tama.

Maganda na sa tamang panahon at sa tamang paraan,” pahayag ni Ogie.

Iza Calzado, bitbit ang BF sa bday ni Ogie Alcasid

NALOKA PALA SI Iza Calzado nang dumalo ito sa birthday party ni Ogie Alcasid nu’ng nakaraang Huwebes dahil dala-dala nito ang non-showbiz boyfriend niyang may intials na AK.

Sinabi naman ni Iza ang tunay na pangalan ng boyfriend niya pero nakiusap itong huwag nang isulat dahil iyun lang naman ang hinihingi niya, konting privacy sa lovelife niya.

Iyun daw ang first showbiz party na dinaluhan ng boyfriend niya at ipinakilala sa friends niya sa showbiz.

Super-iwas naman daw ang boyfriend sa media na gustong mag-interview sa kanila. Si Iza na lang ang humarap sa mga gustong mag-interview.

Humingi na lang ito ng sorry sa mga reporters dahil mahiyain daw itong boyfriend niya. Baka masanay naman daw ito bandang huli, pero hindi raw talaga ito sanay sa showbiz.

Hindi na niya dinetalye kung kailan pa ang relasyon nila dahil iyun na lang daw ang gusto niyang i-preserve na sana para sa kanila na lang daw iyun.

Basta happy raw siya ngayon at sana ito na nga raw ang huling lalaki sa buhay niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Ara Mina, umiwas kay Manny Pacquiao – Ara Mina

Leave a Reply

Your email address will not be published.