Ara Mina, umamin din na nakunan nga siya

Ara-MinaITO PALANG si Ara Mina, nagsinungaling lang sa Startalk reporter namin nu’ng tinanong siya kung totoong nabuntis ito at nakunan.

Inamin naman niya bandang huli na totoo ang kumalat na balita.

Totoong tatlong buwang buntis daw siya kay Bulacan Mayor Patrick Meneses, pero sa kasawiang-palad, nakunan ito.

Ayaw lang daw niyang ipamalita noon dahil hindi naman magandang balita.

Bukod pa riyan, kamamatay lang daw ng lolo niya pagkatapos siyang makunan kaya malungkot talaga siya.

Nagpahinga si Ara at alam ko, tapos na siyang magparaspa, at ngayon ay okay na raw siya. Puwede na raw siyang mabuntis uli.

Kaya raw nag-deny siya noon dahil hindi pa raw niya nakausap si Mayor Patrick na lumabas na ang naturang balita. Pero sinabihan naman daw siya ni Mayor Patrick na aminin na niya, kaya binawi na niya ang pagdi-deny niya.

Parang may pinagdudahan lang si Ara kung sino ang pinanggalingan ng balita kaya kakausapin daw niya isa sa mga araw na ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Ara Mina, umamin din na nakunan nga siya

    • Yup, exactly. Teka, sinulot ba ni Ara si Jomari Ylana from Aiko nun? At di ba nakarelasyon rin ni Aiko si Patrick before naging sila ni Ara at Patrick? Ano ba Ara, para ka na yatang naubusan ng lalaki sa mundo.

  1. Atleast consistent si ara, denial queen tlaga. Piece of advice wag na wag ka magtatago ng pagbubuntis para maraming nag aalaga sayo, sa instagram mo cge din yoga mo, dapat d ganon. Sana nextym ingat ka na :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published.