Ara Mina, suwerte sa pagbubuntis

Ara-MinaSIX MONTHS na ang ipinagbubuntis ni Ara Mina courtesy of Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. Baby girl ang magiging first baby ng dalawa at sa December manganganak ang aktres.

Wala pang naiisip na pangalan si Ara. Hahayaan daw niya na ang nobyo ang magbigay ng pangalan sa sanggol.

Para sa aktres, may dalang suwerte ang kanyang pagbubuntis. Unti-unti na kasing nagbu-boom ang kanyang Ara’s Secrets business na tungkol lahat sa pampaganda. After na mai-feature ito sa Kris TV kamakailan, mas lalong dumagsa ang buyers at gustong maging retailers from the Philippines at maging sa iba pang panig ng mundo.

“May hatid na suwerte sa business ko ang aking baby girl. Unexpected ‘yung dami ng orders at gustong magbenta ng Ara’s Secrets kaya busy kami ngayon sa shipment. Pero they can also buy Ara’s Secrets sa Tiendesitas sa Pasig,” masayang kuwento ni Ara.

Hindi hirap sa kanyang pagbubuntis si Ara. Hindi rin daw siya gaanong nagkaroon ng morning sickness. Mas naging matakaw lang daw siyang matulog ngayon.

“Madalas akong mag-over sleep. ‘Yon ang nagiging problema ko ngayon. Pero okey lang daw naman ‘yon sabi ng doktor ko. Sa pagkain, hindi naman ako nagki-crave ng certain food, ‘yung normal lang,” balita pa niya sa amin.

At dahil mauuna ang baby kaya ‘di muna pinaplano nina Ara at Patrick ang pagpapakasal.

“It will come. Basta darating din tayo riyan,” paniniguro pa niya.

Kahit nga pala 6 months na ang tiyan ni Ara ay tinanggap pa rin niya na maging part ng musical series ng TV5 na Trenderas na napanopnood tuwing Sabado ng gabi.

“Once a week lang naman ‘yung show at hindi madugo ang taping kaya okey lang. At least meron pa rin akong ibang ginagawa bukod sa Ara’s Secrets ko,” kuwento pa ni Ara.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

One thought on “Ara Mina, suwerte sa pagbubuntis

  1. hay at nakahuli din ang pokpok nato kahit tira ni aiko… asa ka pang pakasalan nyan eh may kabit iyan may lawit… ask aiko my dear!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.