Ara Mina startled in the news that sister Cristine Reyes will be doing TV series with Aiko Melendez!

NAG-UMPISA NA PALANG mag-taping ng kanyang bagong teleseryeng Re-putasyon si Cristine Reyes nu’ng Tuesday at San Miguel, Bulacan, ayon sa kanya nang makausap namin ito at ang ate niyang si Ara Mina sa grand opening ng kanilang bagong ini-endorsong slimming center.

Hindi na pala si Derek Ramsay ang magiging leading man ng sexy actress, bagay na kinumpirma nito sa amin at ng una nang makita namin ito ni Tito Alfie Lorenzo sa ABS-CBN nu’ng Martes ng hapon. “Hindi ko na tinanggap ‘yung soap,” sey ng hunk actor sa amin.

Ayon pa rin kina Cristine at Derek, tuloy pa rin naman daw ang pelikulang pagsasamahan nilang dalawa with Anne Curtis this year na we heard, will be directed by Ruel Bayani.

Si Jake Cuenca na ang ipinalit kay Derek na ayon kay Aa (palayaw ni Cristine) ay wala siyang kissing scene o love scene sa una. Pero kahit meron naman daw ay okey lang sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz, dahil naiintindihan nito.

Laking pasasalamat daw ng younger sister ni Ara sa Kapamilya network, dahil hindi na raw sexy o daring ang kanyang bagong teleseryeng pagbibidahan n’ya muli. “Hindi siya usual na nagawa ko sa Eva Fonda at Kristine. Mas challenging,” kuwento ni Cristine.

Bukod kay Jake na fresh from the success of his movie, with Aga Muhlach and Angel Locsin, In the Name of Love, makakasama rin ni Cristine sina Jacklyn Jose at Lito Pimentel bilang kanyang mga magulang, ang nagbabalik na si Deborah Sun, Tonton Gu-tierrez, at Aiko Melendez.

Paano nga ba sinabi ni Cristine kay Ara na makakatrabaho niya sa teleserye ang ex-wife ng ex-boyfriend ng Ate niya na si Aiko na nakagalit pa nito? “Nagsabi lang ako sa kanya (Ara) para aware din s’ya. Okey lang. Wala namang problema rito (Ara). Trabaho lang naman. Tsaka, ‘pag trabaho, tanggap lang,” sagot ng batang aktres.

Ito naman ang kuwento ni Ara sa pagsabi ni Cristine sa kanya na makakasama ng huli si Aiko. “Ate, okey lang ba makakasama ko si Aiko? Ow? Talaga? Gano’n ang reaction ko. Wala namang masama, may magagawa ba ko d’yan. Hindi lang sumagi sa isip ko na, ay magkakasama sila. So kung sila nagkasama, posible rin na kaming dalawa magsama sa isang pro-ject. Du’n na lang natin magge-gauge kung anong pakiramdam ko, kung anong emosyon ko ‘pag dumating ‘yung project or ‘pag nagkita kami. I love to work. I love work.”

So hindi talaga kaila kay Ara ang pagkagulat niya sa pagsasama ng kanyang kapatid at dati niyang nakaalitan. “Oo. At first, parang awkward lang ang feeling. Siyempre, nagkaroon kami ng matinding issue before. Wala namang closure ‘yon, eh. Pero namatay na lang ‘yung issue. Ibig sabihin siguro, hindi pa kami meant na magkita. Dahil hindi pa kami nagkikita ever. Hindi ba, ilang years na? Kahit sa eleksyon. Sa city hall, sa canvassing, parang glance, glance lang, hindi talaga ‘yung salubong,” dagdag pa ng aktres.

 

ABANGAN ANG MULING pagsasama nina Sam Milby at Toni Gonzaga sa birthday show ng una na Samthing Special…A Birthday Concert sa Zirkoh Tomas Morato sa Quezon City bukas, Sabado, May 14, 2011, 10pm.

Bukod kay Toni, bibirit din ang Star Power grand finalists na sina K-La Rivera, Krissel Valdez, at winner nito na si Angeline Quinto.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11¬-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

6 thoughts on “Ara Mina startled in the news that sister Cristine Reyes will be doing TV series with Aiko Melendez!

  1. Francis Simeon bayaran ka ng abs-cbn para gumawa nang kulay para sa show ni cristine reyes sa abs-cbn halata halata

  2. matagal ng laos ito ha, kawawa naman si Ara bumalik pa para malaman niya for the nth time na laos na siya!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. Pingback: Ara Mina startled in the news that sister Cristine Reyes will be doing TV series with Aiko Melendez! | Cristine Reyes Ara Mina startled in the news that sister Cristine Reyes will be doing TV series with Aiko Melendez! | Cristine Reyes Videos, Pictures, N

Leave a Reply

Your email address will not be published.