Ara Mina stars with Robin Padilla on new GMA teleserye

STAR-STUDDED ANG NAGANAP na trade launch for the advertisers ng ABS-CBN para sa mga bago nilang shows for 2009 na ginanap sa Rockwell Tent last Thursday. Sina Ruffa Gutierrez at Ai-Ai delas Alas ng bagong morning show ng ABS-CBN na Ruffa and Ai ang nag-host ng event. Tawa nang tawa ang mga advertisers sa punchlines ni Ai-Ai kay Ruffa.

Ilan sa bagong shows ng ABS-CBN ang Bandida na hinahanap pa kung sino ang magiging bida na tatlong sexy actress, ang Habang May Buhay ni Judy Ann Santos sa direksyon ni Direk Wenn Deramas, at ang remake ng classic youth-oriented movies ng Regal nu’ng 80’s para sa Your Song – ang Underage, 14 Going Steady, Blue Jeans at iba pa. Sina Melissa Ricks, Lauren Young at Empress Shuck ang mga bagong ‘Dina, Maricel at Snooky’ sa remake ng Underage.

Nandu’n din sa trade launch si Angel Locsin na first time naming nakita pagkatapos niyang magkasakit. Magsisimula na next month mag-taping si Angel para sa bago niyang drama series sa Kapamilya network, ang remake ng Koreanovela na Only You.

Hindi na matutuloy gawin ni Angel ang naunang naibalitang Buhay ng Buhay Ko with Sam Milby and Diether Ocampo. Pero sina Sam at Diet pa rin ang makakasama ni Angel sa Only You, kung saan magsho-shoot daw sila sa Korea. First time pupunta roon si Angel kaya excited na siya sa bago niyang serye.

Pero bago niya umpisahan ang Only You, nag-taping muna last week si Angel para sa Maalaala Mo Kaya na recently, binigyan ulit ng karangalan ng USTV Awards for five consecutive years, huh! For the first time, gaganap si Angel bilang taong-grasa. Mapapanood ang ikalawang paglabas ni Angel sa Maalaala Mo Kaya sa darating na Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Nag-promote rin ang ex-lovers na sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa ng gagawin nilang teleserye sa ABS-CBN. This will serve as a reunion project for Echo and Tin-Tin after their highly successful team-up in Pangako Sa ‘Yo. Hindi na Ikaw Lamang ang title ng balik-tambalan nina Echo at Tin-Tin, kundi Dahil Tanging Ikaw.

Tiyak na matutuwa na naman ang young viewers ng ABS-CBN dahil magbabalilk si Kokey at si Pedro Penduko. And after Rudy Fernandez, ang mga pelikula naman noon ng legendary ‘anting-anting king’ na si Ramon Revilla.

Papalitan naman ni Alex Santos si Henry Omaga-Diaz sa XXX, with Pinky Webb. Habang lilipat naman sa bagong timeslot ang SOCO from Thursday to Friday night at 10:30 pm. At may bago na ring sariling programa si Ces Drillon, ang I Survived.

MAHABA-HABA RIN PALA ang role ni Ara Mina sa bagong serye nina Robin Padilla at Regine Velasquez sa GMA. Special guest appearance ang role ni Ara at siya ang magiging dahilan daw ng revenge ni Robin sa kuwento. Gagampanan daw niya ang role bilang unang asawa ni Robin na mamatay.

Tinanggap daw niya ‘yung role first and foremost dahil sa hanay ng mga naglalakihang action stars, si Robin Padilla na lang ang hindi pa niya nakapareha sa pelikula. In fairness to Ara, maging ang yumaong King of Action na si Fernando Poe Jr. at Junior Action King na si Rudy Fernandez, naging leading lady nga naman siya sa pelikula.

Aware din si Ara na kasama sa teleserye ni Robin ang boxing champ na nili-link sa kanya na si Manny Pacquiao. Kaya bago raw niya inoohan ang makasama si Robin, ni-require daw talaga niyang huwag siyang bigyan ng eksena with Manny.

Ayaw bigyan ng chance ni Ara ang mga umiintriga sa kanya kay Manny na makakita ng paraan para iugnay na naman siya sa boxing champ. Kaya siya na ang gumawan ng paraan na huwag ng i-link pa kay Manny.

Habang ang ibang artista, ginagawa ang lahat ng paraan para ma-link kay Manny, heto ang Ate ni Cristine Reyes na halos ayaw madikit ang pangalan sa boxing champ. Ang bongga talaga ni Ara, huh!

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.