Ara Mina, no plans in getting back with Jomari Yllana

KUNG SI POPS Fernandez, tinawagan ang ex-husband niyang si Martin Nieverra sa pag-iwan sa kanya ni Jomari Yllana, ang ex-girlfriend naman ng actor/ producer na si Ara Mina ang nag-text sa kanya upang kumpirmahin ang balitang hiwalay na sila ng Concert Queen.

“Hindi niya ako tinext na hiwalay na kami (Pos and Jomari). Sabi ko, ‘O, ano itong nababalitaan ko?’ Tapos, sabi niya, ‘Eto nga, e, taping ako. Ayoko munang umuwi. Mas tahimik dito sa Bataan. Malayo sa gulo,’ ganu’n lang,” kwento ni Ara habang nagpapahinga sa rehearsal niya para sa Shall We Dance ng TV5.

Nagbigay ng reaction si Ara sa sinabi ni Jomari na ngayon lang siya nakipaghiwalay nang maayos sa kanyang girlfriend at magkaibigan pa rin sila. Walang duda na isa si Ara sa mga sinasabi ni Jomari na ex-girlfriend niyang hindi naging maayos ang paghihiwalay nila at hindi sila naging friends.

“Ay, oo. Hindi naman talaga kami friends, e. Hindi kami agad naging friends. After two years pa bago kami naging friends. E, pero bakit parang sa intebryu ni Pops hindi sila friends? Friends ba sila?” Balik-tanong sa amin ni Ara.

Base kasi sa unang pahayag ni Pops, kahit siya hindi niya alam ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya si Jomari at parang wala silang closure.

“Kami rin walang closure. Hahaha! Nagkaroon kami ng closure after two years na. Buti nga ‘yung kay Pops, may closure na agad,” tawa ulit ni Ara.

Nagkaroon lang daw sila ng closure ni Jomari nu’ng in-invite siya ng actor sa campaign ng kapatid niyang si Anjo Yllana. Tapos sinorpresa siya ni Jomari nu’ng i-campaign naman nito ang Daddy ni Ara na si Chuck Mathay. Pagkatapos noon, saka pa lang sila nag-usap ni Jomari at humingi ng sorry sa kanya.

Hindi malinaw ang isyu kung bakit hiniwalayan ni Jomari si Pops. Bagaman may mga lumalabas na dahil daw sa pera at may third party ring sinasabi.

“Ako rin, e, hindi ko alam kung bakit siya nakipag-split sa akin. Tinanong ko siya, hindi ko rin maintindihan. May sinabi siya sa akin tapos sabi ko, ‘Ow? Talaga?’ Pero ‘yung sa amin hindi pera. Hindi rin third party. Between us na lang.”

Nagkaroon din naman daw ng pagkakataong naghihiraman sila ni Jomari ng pera sa isa’t isa.

“Normal lang naman sa isang relasyon ‘yung, ‘Uy, meron ka ba d’yan? ‘Ako rin nga humiram ng pera kay Jom, e. Kunwari kapag minsan hindi pumasok agad ‘yung ine-expect mong sweldo, and may monthly billings ka. Kumbaga, give and take but not to the point naman na hihiram ng milyones, ‘no.”

May mensahe naman si Ara kay Jomari ngayong hiwalay ulit ito sa kanyang girlfriend.
“Jomari is not getting any younger anymore. Kailangan na niyang maghanap. Anyway, ewan ko lang sa kanya kung gusto niyang maging bachelor for life. Inaasar ko naman siya minsan, e. Ano ba’ng gusto mo, ha?”

Ngayong single na ulit si Jomari, posibleng magkabalikan sila, huh.

“Hindi na p’wede,” pagtutol ni Ara sa sinabi namin. “May boyfriend na ako. ‘Tsaka wala sa history ko ang bumabalik sa ex.”
‘Yun na!

FIRST TIME NAMIN nakausap on a sit down interview ang Soulful Balladeer at Awit Awards Best New Male Recording Artist (2006) na si OJ Mariano. Mas guwapo pala siya sa malapitan at nakadagdag ng appeal ni OJ ang pagiging kalbo niya. Once a week or twice a month daw siya nagpapa-ahit ng kanyang buhok. Talagang mine-maintain daw niya ang pagiging kalbo niya.

Kasama pala itong si OJ sa cast ng PAGCOR’S new musicale/dance extravaganza na Flow. Kahawig nito ang Wanders na pinapalabas dito mula sa China. Nagsimula nang mapanood si OJ sa Flow nu’ng March 15 and 16. Pero may chance pa ring mapanood si OJ sa Flow on March 18, 28 & 31.

For inquiries and bookings, please contact Dennis G. Arce at tel. nos. 927-0611, 0917-6262381 at 0919-6442084.

by Julie Bonifacio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.