Ara Mina, nag-init ang ulo kay Jinkee Pacquiao – Chit Ramos

JOBLESS BELLE?: NIYAYA kaming mag-lunch ni Jobelle Salvador sa Toki Restaurant sa The Fort kelan lang.

Balik-‘Pinas na naman pala sila ng kanyang anak (kay Hideto Kurita) na si Julynna (8 years old) dahil matapos ang walong taon nilang pagsasama ng kanyang mister, sa hiwalayan pa rin nauwi ang kanilang relasyon.

“Pero, hindi naman kami magkaaway. Dahil whenever he has the time, umuuwi pa rin siya sa Pilipinas para makita ang anak niya. And in fairness, sustentado naman niya si Julynna at maya’t mayang inaalam ang nangyayari sa bata. Very proud nga siya nu’ng kunin si Julynna ng Shakey’s para sa print ads nila. At talagang ipinangalandakan niya ito sa friends namin in Japan. Actually, payag siyang mag-artista si Julynna. Pero siyempre, ako, gusto ko munang mag-aral ang bagets, kahit na kitang-kita ko na sa pagkahilig pa lang nito sa pagkanta na may talent naman siya. On her own nga, nagbo-vocalize na ito everyday. Kaya baka sa teatro ko muna i-enrol.”

This time, for good na silang mag-ina rito. In fact, matagal na rin siyang nakapag-taping sa Habang May Buhay ni Judy Ann Santos where she portrays the role of the sister of Gina Alajar na ina naman ni Juday at kontrabida ang papel niya dahil siya ang magpapahirap sa mag-ina sa istorya.

Pansamantalang iniwan ni Jobelle ang kanyang Women’s Oasis to Maintain Bliss Foundation sa Japan, pero patuloy pa rin naman niyang ie-entertain ang sangkaterbang e-mails na humihingi ng advice sa kanya.

“Ang mission ng Foundation, eh, hindi lang pang-financial na tulong sa mga kababayan natin, mostly kababaihan na nagiging biktima rin ng pang-aabuso, kundi ‘yung tulong sa kanila para patuloy na makakita ng trabaho roon at magkaroon pa rin ng silbi sa lipunan.

ARIBA’NG ARA: ABURIDO is more like it! ‘Yun ang pansin ngayon ng ilang malalapit sa aktres na si Ara Mina.

Kasi nga, inasahan pala nito na ang muli niyang page-guest sa Bubble Gang sa Kapusong istasyon ang magiging hudyat para muli nang magsunud-sunod ang mga programang sasalangan niya sa nasabing istasyon. Pero hanggang ngayon nga, nakapag-show na siya at nakalibot sa Amerika hanggang sa sari-saring lalawigan sa ating bansa para kumanta, no word pa rin daw mula sa mga taong nagsabi sa kanya na very soon, she will be included na sa mga future shows ng istasyon.

Sabi naman namin sa dalaga, baka naging totoo lang ang kasabihang kapag busog ang puso, sadsad o lugmok naman ang trabaho. Pero ayaw nitong pumayag.

Minsan, hindi maialis na maging mainitin ang ulo ng aktres over some small matters. At minsan nga, napagdiskitahan pa nito ang ex na si Jomari Yllana nang magkita sila sa isang birthday party.

At nang tanungin ko ito sa reaksiyon niya sa tanong kay Jinkee Pacquiao about her at sa pagsasabi nitong handa na niyang kausapin ang aktres na inili-link sa kanyang asawa,lalo lang uminit ang ulo ni Ara.

“Wala na naman bang ibang mapag-usapan sa kanila at ako na naman ang pinupuntirya nila?”

Sa ganang amin, mukhang isang bagay ang pagpasok ni Ara sa pulitika kaya madali na itong ma-agitate.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

4 thoughts on “Ara Mina, nag-init ang ulo kay Jinkee Pacquiao – Chit Ramos

  1. Oh. my. god. What is she wearing in her picture??! She looks like a lactating cow!

    Ara, kung ganoon na kalapad at kalosyang ang katawan mo, get yourself a stylist para naman mabihisan ka nang tama at di nahahalatang matrona ka na inspite of your relatively young age.

  2. BAKA KAILANGAN NANG DAMAGE CONTROL. PILAR MATEO, ANG ALAGA MO, NAGKAKALAT. KAILANGAN NANG MAJOR KASINUNGALINGAN NA KUWENTO. MAGALING KA NAMAN DOON, DI BA PILAR?

  3. sabi ni cristine reyes sa bago nyang palabas sa dos “ayokong matulad sa nanay ko” hahahahahahaha dapat lang kasi ang ginawa mo at dapat mong sabihin “GUSTO KUNG MATULAD SA ATE KO”! magkapatid na puro kati sa katawan

  4. ara mina MANAS ka! ayaw mo pang aminin naging kayo ni manny sus andun kami sa resort sa puerto galera kung saan madaling araw kayo lumalabas ni manny sa rest haus pra nobody will see both of you na gumagala sa tabing dagat. funny pa kasi ikaw ang pulutan sa kwentuhan ng mga bodyguard ni manny panu d namin alam eh katabi namin ang mesa nila. kapal mo! ewan ba namin sa siyete at hinayaan pang makabalik sa network to eh no acting namin kung kumanta singaw sa ilong ang maririnig mo sa katawan naman dambuhala na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.