Ara Mina, na-develop sa mayor na ex ni Aiko Melendez!

NAPANOOD N’YO naman siguro ang interview namin sa Startalk kay Ara Mina na hindi na talaga napigilan ang mag-iiyak dahil sa isyu nito sa kanyang kapatid na si Cristine Reyes.

Sabi nga ni Ara, kilala niya ang kapatid niya at nakikita nito ito nu’ng nagbigay ng public apology sa The Buzz na hindi ito sincere sa mga sinabi niya at nakikita raw niyang parang kinamumuhian siya.

“Lahat ng mga nasabi niya sa akin, tagos talaga, eh. Alam mo ‘yung sobrang tindi, parang kinamumuhian niya ako, na parang hindi ko maintindihan,” napapabuntung-hininga niyang pahayag dahil nakikita raw niya kay Cristine kung ano talaga ang nararamdaman nito.

“Ramdam ko eh, nakikita ko sa mata niya, at kilala ko siya. ‘Pag talagang litung-lito siya, ‘pag apologetic siya, alam ko ‘yun. Kilala ko siya. Siyempre 10 years ang gap namin, eh. 10 years ang tanda ko sa kanya. Alam ko kung paano siya lumaki,” sabi nito.

May iba pang rebelasyon si Ara na kinuwento sa Startalk. Ang iba du’n ay ang pagmamaldita sa kanya ni Cristine, kung paano raw siya insultuhin nu’ng nalaman nitong magdedemanda siya.

Kuwento ni Ara, “Nung nalaman n’ya na balak kong magpa-interview before, bago mag-file (ng kaso). Kaya ako nag-decide na mag-file.

“Sabi niya, ‘sige mag-ready ka na ng isusuot mo sa mga interview mo. ‘Yan  naman ang gusto mo, ‘di ba? Kasi kailangan mo ‘yan. Okey lang ‘yan at para maalala ka pa rin ng mga tao, ‘di ba? Hindi kita maharap kasi busy ako. Samantalang ikaw, nand’yan ka lang naman sa bahay, nakanganga sa bahay, ‘di ba?’

“Dahil busy raw siya, hindi ko nilagay sa isip ko na talagang kainggitan ko siya or something. Sobrang proud ako sa kanya kaya nga ako nag-produce ng movie niya, eh.”

Nasa London pa si Cristine, kaya ewan ko kung sasagutin niya itong mga sinabi ni Ara.

Iyon na raw ang huling pagsasalita ni Ara tungkol sa gulo nilang magkapatid. Magpapahinga na raw siya. Magpo-focus sa trabaho at hihintayin na lang ang resolution ng piskalya sa kasong isinampa niya laban sa kapatid.

Nu’ng Sabado ay nag-graduate si Ara ng Culinary Arts sa ISCHAM at kinunan ito ng Startalk. Napansin nila, nandu’n si Mayor Patrick Meneses, na matagal na palang sila ni Ara.

Hindi naman daw itinatanggi ng aktres ang relasyon nila, pero ayaw na lang niyang pag-usapan.

Matagal na raw silang magkaibigan ni Mayor Patrick, at hindi raw niya alam kung bakit na-develop at natuloy sa magandang relasyon.

Mabuting tahimik na lang daw sila, dahil masaya naman sila sa tahimik na relasyon.

Hay, naku! Ano kaya ang comment diyan ni Aiko Melendez?

UMALIS NA pala kami kahapon ni Lorna Tolentino patungong Germany para roon sa stem cell treatment namin.

Si Lorna ang naghanda nang husto sa pagpapaturok namin ng stem cell.

Ako, ewan ko, bahala na. Ang gusto ko lang naman, mawala itong mga sakit-sakit ko, at hindi ko naman iniisip na magmukhang bata pa, ‘no!

Balitaan ko na lang kayo pagbalik ko, dahil marami pa ang nagkainteres na pumunta roon at magpa-stem cell.

Nauna na nga roon si Boy Abunda dala ang Nanay Lesing niya na may sakit. Sana nga kahit papaano, makabawas ito sa naramdaman ni Nanay Lesing. Nakasabay pa pala niya roon si Ben Chan ng Bench na nagpa-stem cell din yata.

Naku! Balitaan ko na lang kayo!

Maraming salamat kay Dra. Vicki Belo dahil siya ang gumastos nitong lahat ng pagpapa-stem cell ko. Love talaga ako ni Doktora. Babu!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

23 thoughts on “Ara Mina, na-develop sa mayor na ex ni Aiko Melendez!

  1. ok nagsalita sa AA ng masama about Ara pero sino ba ang naglabas sa press si Ara d b? feeling ko totoo lhat d ma-take ni AA na yun ang pera na pinagpaaral sa kanya ni Ara galing sa pagpuputa.

  2. hahaha tanxs tanya ,at nagreact ka sa comment ko muwaah,to Tanya and Ara bold star,hahaha babuuh,waiting for your reply tanya,now naaaah

  3. HOY LOLIT  D EEPEKTO SAYO AT STEM SELL TREATMENT!! MAGSAMA KAYO C CRISTY SA IMPYERNO… MAYY VISA NA KAYO SA KABILANG BUHAY…..

  4. sabi sa isang news article noon, according mismo kay Ara, pati daw yung nanay ni Patrick Meneses ay tinetext ni Cristine para sabihang magingat kay Ara dahil gold digger si Ara. Nagalit si Ara dahil binuking sya ng kapatid nya sa wish nyang maging future mother-in-law kaya ayun..file ng case ang pokpok na si ara.

  5. Obvious naman si Ara. Gusto nya lang talagang mapagusapan kaya hanggang ngayon ayaw nya pa ring patawarin si Cristine. Granted na hindi tama pagtexts ni Cristine ng hindi maganda pero dapat hindi na yun inilabas sa public ni Ara. At dapat tumitigil ng magpainterview si Ara dahil nasa korte na naman yung kaso. If sincere sya na gusto nya lang tlgang turuan ng leksyon kapatid nya kaya ayaw nyang patawarin, then just continue the case and shut up. Enjoy na enjoy sa mga interview eh. Kakasuka na. Totoo rin naman kasi mga sinabi ni Cristine na isa sya pokpok at nanggagamit ng lalaki para masunod mga luho nya.

  6. i like AA pero aminin ko medyo na T.O ako sa kanya pero ( again ),ang nangyari sa kanila ng ate nya dapat di isinapubliko pa ni Ara.Nagpapahalatang papansin si Ara at saka may katotohanan naman mga sinabi ni Cristine sa kanya,magkapatid sila so syempre alam nya mga bulok ng ate nya.At saka isa pa yan,ex’s ni Aiko,jinojowa nya ? parang nananadya ? 

  7. ahaha..sakit mag salita ni kristine sa ate nya LASPAG,napa sawaan..well nakilala naman yan sa pag papa sexy 

  8. di paba isyu na yan magkapatid nyan,ARAMINA IDOL MO TALAGA SI AIKO..NAPAG HAHALATA.. kamusta naman yun ex mo na best friend pa man din ni mayor patrick? 

  9. mga putang ina ninyo lalo ka na putrizk at wella!!! Putang ina ninyo!!! Pero totoo naman ang sinabi ni cristine ah!!! puta kapatid nya!! Kitam ! may bago na namang uteng pagsasawaan si ara puta!!! magkaibigan talaga sila ni ruffa nae. padamihan ng lalaking makakendot sa kanila!!! yahooo!!! ang lalasawa!!! lawlaw na nga ang suso parang sa baka!!! mga putang laos!!!

  10. mga putang ina ninyo lalo ka na putrizk at wella!!! Putang ina ninyo!!! Pero totoo naman ang sinabi ni cristine ah!!! puta kapatid nya!! Kitam ! may bago na namang uteng pagsasawaan si ara puta!!! magkaibigan talaga sila ni ruffa nae. padamihan ng lalaking makakendot sa kanila!!! yahooo!!! ang lalasawa!!! lawlaw na nga ang suso parang sa baka!!!

  11. Christine bato puso ng ate mo,hindi ka niya patatawarin she enjoyed the limelight,pag pinatawad ka ni Ara,wala ng maginteview sa kanya,mawawala na naman siya sa limelight /tabloid hindi niya papayagan mawala ulit siya so accept mo na tuloy ang demanda nya V/S sa yo but dont worry it will destroy your sister more than you do,dahil hindi siya marunong magpatawad.Dont you noticed happy si Ara magpainterview.Pray ka..bigyan ka pa ng more blessings at look after your mom support her financially ask forgiveness from your mom,na lubos naasasaktan sa feud ninyo huwag kang gumaya sa ate mo.Sana bigyan ka pa ng ABS cbn more project like dahil sa pagibig.

    • @wella..cguro katulad ka ni cristine na walang modo sa kapatid! asal hayop at impakta..! walang kapatid na may gustong mag enjoy sa limelight para lang mapag usapan. d nya idedemanda ang kapatid nya ng trip lang nya!mag isip isip ka nga! boba ka yata eh..mag aral ka! uneducated ka yata..isang bum  sa kanto na nanguumit sa nanay para makapag internet sa computer shop!bwiset!

  12. hoy Ara hindi lahat ng tao symphatized sa yo,nakaksuka ka na paiyak iyak ka pa,buti na lang pwede mag pass forward sa net,nakakasawa ka na paulit ulit na. Demanda mo ang kapatid mo,pakulong mo ng life sentence para lubos ang ligaya mo at ng mga kakampi mong writers but enough na,pagkakalat ng baho no magkapatid anong klase kang kapatid panganay ka pa naman,nakakahiya kayo,nakakasuka talaga palibhasa bold star

Leave a Reply

Your email address will not be published.